Mga Magulang ni Sarah Geronimo, wala pa ring tiwala sa anak!

ADVERTISING

Mga Magulang ni Sarah Geronimo, wala pa ring tiwala sa anak!

Mga Magulang ni Sarah Geronimo, wala pa ring tiwala sa anak!NOON PA, ang alam namin, ay itinigil na ng ABS-CBN ang pagkumisyon sa AGB Nielsen sa pagsasagawa ng TV ratings, dahil sa mga nakarating na impormasyon sa pamunuan ang diumano’y pagmamaniobra sa TV ratings na kahit ang lakas-lakas ng mga programa ng ABS-CBN ay taliwas sa inaasahan ang nagiging resulta ng TV ratings.

ADVERTISING

Ewan kung may kinalaman itong Nielsen sa AGB Nielsen na in-email ni Dorian Santiago. Ang sabi nito, “Mukhang may katotohanan nang pandaraya sa bahagi ng Nielsen sa larangan ng TV ratings. Sila ay idinemanda ng isang TV station sa India dahil sa diumano ay tumatanggap sila ng suhol mula sa mga executives ng TV stations na willing magbigay ng suhol.”

Read on:  http://www.hollywoodre-porter.com/thr-esq/nielsen-sued-billions-manipulated-ratings-355829?page=show

Sana, mali kami ng iniisip.

ADVERTISING

 

WALANG MASAMA sa paraan ng pagpapalaki ni Mommy Divine sa kanyang anak na si Sarah Geronimo. Naniniwala rin kami na isa sa mga dahilan kung ano ang status ngayon ni Sarah eh, dahil ‘yan sa mapag-arugang kamay ni Mommy D. Alam na nating lahat ‘yon.

Ang hindi namin alam ay kumbakit ganu’n na lang kahigpit si Mommy D sa mga nagkakagusto o nanliligaw sa anak niyang hindi naman dose anyos, kundi beinte kuwatro anyos na. Ano pa’ng hinihintay niyang right guy na ibibigay ng Diyos sa kanya? Ano ba ‘yon, Mommy? ‘Pag palpak ba ang relasyon ng isang tao sa kanyang kapwa, demonyo na ang nagbigay sa kanya no’n?

Hindi ka naman Diyos, mommy. Ka-initial mo lang po ang Diyos para makapagsabi o makapagdikta kung sino ang nararapat na kapartner ni Sarah sa buhay. Puwede namang sa una, gusto mo ang lalaki, eh. Magpapakasal ‘yan. So ‘yun na ba ang senyales na ‘yon ang gusto ng Diyos para sa anak mo? ‘Yung lalaking pinakasalan niya, dahil ‘yun ang gusto n’yo ng asawa mong si Daddy Delfin?

Pa’no kung along the way eh, mara-ming misunderstandings at pag-aaway ang mag-asawa? Tapos, maghihiwalay? Ano po? Sisisihin n’yo ang Diyos, dahil hindi naman pala ‘yon ang right guy na ‘yun ang una n’yong akala?

Paano ho matututo ang anak n’yo kung lagi na lang kayong pinamumugaran ng takot sa dibdib n’yo na baka mauwi sa maling lalaki ang anak n’yo?

Mga Magulang ni Sarah Geronimo, wala pa ring tiwala sa anak!

PERFECT PO ba ang pagsasama n’yo ni Daddy Delfin? Kahit kelan ba, hindi nagmuntik-muntikanan na kayong magkahiwalay kahit me mga anak na kayo?

‘Yun ho ba ang takot n’yo na “ipamamana” kay Sarah balang-araw?

‘Yung iba ho kasi, ang iniisip: kaya kayo natatakot eh, baka nga mainlab si Sarah, tapos, mada-divert na si Sarah sa personal happiness niya, tapos, kayong pamilya niya ay makalimutan na, gano’n ba?

Sa ipinamulat n’yong “family orientation” kay Sarah, we don’t think, kalilimutan n’ya kayo porke inlab siya. Hindi. Sa inyo pa rin ‘yan kakapit ‘pag masaya siya, lalo na ‘pag siya’y umiiyak na.

Sa nangyayari ngayon na hindi n’yo pinagkakatiwalaan si Sarah na maging responsable sa lahat ng actions niya eh, pinalalaki n’yong marupok ‘yung bata. Na ‘pag nawala na kayo, maghahabol ang bata, dahil hindi niya alam kung ano’ng gagawin, dahil nga pinalaki n’yong dependent forever sa inyo. Hindi n’yo pinalaking pinatibay ng panahon at pagsubok sa buhay ‘yung bata.

Beinte kuwatro na ‘yan, mami. Ang kilig na nararamdaman niya ay sa pelikula na lang niya nailalabas, pero sa totoong buhay ay ikinukubli na lang niya, dahil nga sa takot sa inyo na mas madalas na hindi kayo pabor kesa pabor.

Gusto n’yong palakihin ang anak n’yo na may takot sa Diyos, pero ang nangyayari, sa inyo muna unang may takot at pangalawa na lang sa Diyos.

Grow up, Mommy! Mabait na bata si Sa-rah. Hindi niya sasayangin ang tiwalang “ireregalo” n’yo sa kanya na noon pa sana. Pero hindi pa naman huli ang lahat. Puwede pa, mommy. Basta tanggapin n’yo lang sa inyong sarili na sanitary napkin na po ang gamit ng anak n’yo, hindi na po lampin.

 

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING