Mga kasinungalingan daw ni Sen. Grace Poe, isisiwalat ng mga kapatid ni Susan Roces na nasa bansa ngayon

Mga kasinungalingan daw ni Sen. Grace Poe,  isisiwalat ng mga kapatid ni Susan Roces na nasa bansa ngayon

Susan Roces and Sen. Grace Poe
Susan Roces and Sen. Grace Poe

May nakarating sa amin na balita na hindi lang pala ang isang kapatid ni Susan Roces na si Rosemarie Sonora (ina ni Sheryl Cruz) ang nasa bansa ngayon para “magbakasyon”, kundi ang ilan din sa mga kapatid ni Ms. Susan na biglaang umuwi sa bansa. Diumano sa kuwento, may hinahabol silang ari-arian ng pamilya nila na biglaan ay na-transfer sa pangalan ni Sen. Grace Poe.

May kuwento noong una na kaya naririto sa bansa si Rosemarie ay para magsalita against sa kapatid na si Susan at sa pamangkin na si Grace, tungkol umano sa hindi magandang “facts” o katotohanan na makasisira sa kandidatura ng senadora na nangangarap maupo sa Malacañang.

Ang sitsit sa mga kapatid ni Ms. Susan Roces na naka-schedule na dumating sa Pilipinas bago maghalalan sa Lunes, May 9, ay magpapatawag diumano ang mga ito ng press conference sa darating na Sabado para isiwalat pa ang ilang mga impormasyon na hindi umnao magustuhan ng mag-inang Susan at Grace.

Bukod sa hinahabol na ari-arian, may bomba na isisiwalat ang isang kapatid na lalaki ni Ms. Susan na matagal na umanong nagtitimpi sa mga kasinungalingan na pinagsasabi ng mag-ina para sa magandang imahe ni Grace Poe, na para sa nakararami na may alam ay isang kabaliktaran lang pala ng kuwentong katotohanan.

Reyted K
By RK VillaCorta