Mga Former La Salle Greenhills’ Kundirana, may Fund Raising Concert sa July 6

ADVERTISING

Mga Former La Salle Greenhills’ Kundirana, may Fund Raising Concert sa July 6

Mga Former La Salle Greenhills’ Kundirana, may Fund Raising Concert sa July 6
Randy Santiago, Gary Valenciano, Ogie Alcasid and Dingdong Avanzado

HINDI ko batid na kasama pala ang love ko na si Mandy Ochoa sa fund raising project ng mga ka-batch niya sa La Salle Greehills sa paandar nilang fund raising concert na magaganap sa Sabado, July 6 sa FilOil Flying V Center sa San Juan.

Ang mga super talented na former Kundirana members na sina Randy Santiago, Dingdong Avanzado, Gary Valeciano at Ogie Alcasid, at syempre part ang anak-anakan namin na si Ochoa (tawag namin kay Mandy) who is one of the bosses ng FilOil, nabuo ang Green & Go concert ng apat na malaki ang suporta ng FilOil (Flying V) na corporate work ngayon ng dating aktor na si Mandy O.

Bongga ang ideya ng pagtulong para sa mga nabanggit na mga Lasalista kung saan magpeperform ang apat ng kani-kanilang mga hits during the 80’s.

Produced ng A-Team ni Ogie at sa pakikipagtulungan ng dating aktor na si Mandy na isa sa mga Lasalista behind the project at in celebration of LSGH Batch 1984 kung saan ang kikitain ng show ay para sa mga medical needs ng mga classmates nila at isa din sa mga recipient ay ang DLSU Medical Center sa Dasmarinas, Cavite na ang target nila na malikom ay isang billion para sa kanilang One Billion Endowment Fund Program kung saan lahat ng mga pasyente na mahihirap ay hindi tatanggihan ng ospital at gagamutin ng DLSUMC.

ADVERTISING

Yes, wala man sinasabi kung magkano ang mga talent fees ng mga singers na nabanggit, ang alam ko ay ibinigay ng apat ng gratis or libre ang supposed to be talent fees nila as performers. Mabuhay kayo!

 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING