Mga coaches sa The Voice PH, ‘di nagpapalit ng damit!

ADVERTISING

Mga coaches sa The Voice PH, ‘di nagpapalit ng damit!

Mga coaches sa The Voice PH, ‘di nagpapalit ng damit!JUICE KO, hindi naman kami involved sa The Voice Of The Philippines ay kumbakit itinatanong sa amin ito: “Bakit ilang linggo na pong hindi nagpapalit ng damit ang mga coaches? Hindi ba sila nangangamoy dahil linggu-linggo, ‘yun at ‘yun ang suot nila?”
Meron pang hirit ‘yung isa naming friend na, “Dyina-judge nila ‘yung mga blind auditionees, pero nahuhusgahan din ang pananamit nila!”
At yung post sa FB ng friend ko: “Buti pa sa PGT, in one episode, nakakailang palit sila!”
Hahahaha!
Actually, kung isa kang insider o taga-industriya ay ikaw mismo, ‘pag natanong tungkol diyan sa isyung ‘yan ay otomatik na ang sagot mo.
“Ah, kasi, isang buong araw isinagawa ang blind audition, kaya sa dami ng contestants, hinati-hati ‘yon sa ilang episodes.”
At isa lang din ang ibig sabihin nito: nakatutok talaga ang buong sambayanan.
Kaya ‘pag pina-auction ang mga damit nina Lea Salonga, Sarah Geronimo, Apl D Ap at Bamboo, maniniwala ka agad na damit talaga nila ang ibinebenta.
At any rate, kaabang-abang namang talaga ang bawat episode ng The Voice PH, kaya gano’n na lang kaapektado ang mga tao sa damit ng mga coaches. Aminan na ‘to.

ADVERTISING

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING