Mga bading daw sa showbiz na dapat irespeto!

ADVERTISING

Mga bading daw sa showbiz na dapat irespeto!

Mga bading daw sa showbiz na dapat irespeto!OLA CHIKKA naman tayo sa mga pa-sabog to the maximum authority of chikka ng inyong Tita Swarding! Kasi ba naman, pakiramdam ko, parang nasa tuktok ng twin towers ang aking kilay sa taas na wala nang doctor na puwedeng magbaba sa aking natuklasan sa pagbukas ko ng aking Facebook. Nasa account ko mismo ang bumungad sa akin na talagang shocking. Aywan ko sa inyo kung magugulantang din kayo sa aking natuklasan.

ADVERTISING

Kasi ba naman, sabi nga, ‘Do you believe this? 25 Gays to be respected’ at malalaman n’yo na ang iba ay hindi naman ladlad at talagang karespe-respeto. Na sa palagay ko, ang gumawa nito ay may inggit sa katawan. Ilalagay ko ang pangalan nila na kung mabasa n’yo ito ay magugulat din kayo kung bakit, at puwedeng mademanda ang nasasangkot: 1. Ricky Reyes; 2. Manny Pangilinan; 3. Boy Abunda; 4. Pitoy Moreno; 5. Roderick Paulate; 6. Ricky Lo; 7. Vice Ganda; 8. Joel Cruz; 9. Lhar Santiago; 10. Rajo Laurel; 11. Piolo Pascual; 12. German Moreno; 13. Allan K.; 14. Ben Chan; 15. Chokoleit; 16. John Lapuz; 17. Bekimon; 18. Tim Yap; 19. Erik Santos; 20. Teejay Marquez; 21. BB Gandanghari; 22. Mark Nelson; 23. Paolo Ballesteros; 24. Enchong Dee; at 25. Raymond Gutierrez.

Say n’yo, ‘di ba shocking? Ang iba kasi sa kanila, talagang karespe-respeto sa kanilang ginagawa at hindi sila ladlad. Kaloka talaga!

Nagtataka lang ako bakit ang iba na pinaghihinalaan at ang iba talagang ladlad na pero hindi napasama sa dapat irespeto tulad nina Butch Francisco, Arnell Ignacio, Jobert Sucaldito, Xian Lim, Jed Madela, Bugoy Drilon, Mark Bautista, Luis Manzano, Shalala, Willie Revillame, at halos lahat ng director sa pelikula at television. Hindi ko na iisa-isahin, baka hindi magkasya sa column ko. At ano ang motibo ng gumawa nito?

ADVERTISING

Dapat mabigyan ng leksyon kung sino man ito, dahil hindi tama ang ginawa niya. Nakalagay pa ang picture ng bawat bading kuno, ayon sa kanyang panlasa. Pero kahit na ang iba rito sa kanyang pinangalandakan ay gusto nilang private ang kanilang buhay at hindi naman sila showbiz. Tulad na lang ni Manny Pangilinan, isang taong napakataas ng respeto sa kanya, lalo na ang mga taga-TV5 at iginagalang ang taong ito. ‘Di bale na lang ang iba, tulad ni BB Gandanghari na talagang hayagang ladlad.

Marami pa rin ang hindi pa naglaladlad sa mga tinuran niya, tulad nina Piolo Pascual, Enchong Dee, German Moreno, Tim Yap, Erik Santos, Teejay Marquez, Mark Nelson at Raymond Gutierrez.

Ano kaya ang magiging reaksyon nila ‘pag nabasa nila ito? Siguro ang iba rito, magtititili nang walang sound. O ‘di ba kaloka itong pasabog ko ngayon?

Kayo sa palagay n’yo, sila nga ba ay dapat ires-peto? Kasi para sa akin, kung wala ka namang atraso at inagrabyado sa lipunan, ano man ang pagkatao mo, dapat lang na bigyan ka ng respeto. Kasi para sa akin, respect is earned. ‘Yun na!

 

BLIND ITEM: Pitik-bulag! Sino itong TV host-actor-dancer na ubod ng Cory Aquino (read: kuripot)?

Kasi ba naman, kaya laging lumalayas ang kanyang driver dahil lagi nitong ginugutom, at delayed lagi ang suweldo. Pati alalay, nakakakain lang sila nang bongga ‘pag may bigay ang fans. At take note, laging tira niya ang pinapakain sa kanila.

Akala ko mabait ito, kasi siya ang gumanap sa life story ko sa MMK….

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING