Mga ari-arian ni Dolphy, ibinebenta na ng mga anak

Mga ari-arian ni Dolphy, ibinebenta na ng mga anak

DolphyHINDI PALA natuloy ‘yung auction ng mga properties ni Mang Dolphy nu’ng nakaraang January 31.

Kuwento ni Epi Quizon, may mga balak daw sanang sumali sa auction, pero nang nalaman nilang in public ito at siyempre iku-cover ng media, umatras daw sila.

Hindi naman kasi ganu’n kauso rito sa atin ang auction-auction na ‘yan, kaya ang ginawa raw nila, parang silent auction na lang na hindi alam ng publiko kung kanino napunta ‘yung mga properties na ‘yun ni Mang Dolphy.

May mga ilang lupain pa raw ang namayapang Comedy King na gustong i-hold na ng mga anak. Nagbago na raw ang isip nilang huwag nang ibenta kaya nag-decide na silang parang silent auction na lang.

Ngayon daw ay on-going pa rin ang auction pero hindi na public.

Maayos naman daw nilang napag-usapan kung paano ang hatian sa mga magkakapatid. Ipinangako raw nila sa kanilang ama na walang may mag-aaway dahil sa iiwan niyang mana.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis