Mga anak nina Jodi Sta. Maria at Jolo Revilla, magkasundong-magkasundo

ADVERTISING

Mga anak nina Jodi Sta. Maria at Jolo Revilla, magkasundong-magkasundo

Jolo-Revilla-Jodi-Sta-MariaMEDYO MALUNGKOT pa si Bong nu’ng huling dinalaw ko dahil nasa Amerika pa ang ibang anak niya.

Magkasama sina Bryan, Jolo Revilla at Loudette na pumunta ng Amerika para dumalo raw sa Hillsong conference.

Ang dinig ko, kasama ni Jolo na pumunta ng Amerika si Jodi Sta. Maria kaya kinakantiyawan ko si Bong na baka nagpakasal na ang dalawa roon.

Naniniwala siyang hindi, dahil hindi pa nga raw ‘yan ipinagpapalam ni Jolo sa kanya.

ADVERTISING

Alam ko, marami pang dapat ayusin na mga isyu bago nila pag-isipan ang magpakasal. Kaya tingin ko wala pa ‘yan.

Pero botong-boto sina Bong at Lani kay Jodi dahil napaka-supportive daw nito kay Jolo.

Bukod pa riyan, magkasundo pa raw ang mga anak ng dalawa. Nakikita ko nga minsan na magkasamang naglalaro si Gab ni Jolo at ang anak ni Jodi na si Thirdy.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING