MGA ANAK NI QC MAYOR HERBERT BAUTISTA, IPINAKILALA NA!

ADVERTISING

MGA ANAK NI QC MAYOR HERBERT BAUTISTA, IPINAKILALA NA!

MGA ANAK NI QC MAYOR HERBERT BAUTISTA, IPINAKILALA NA!
QC Mayor Herbert Bautista

BONGGA ang “tell-all” book ni Quezon City Mayor Herbert Bautista na Bistik @ 50 LIFE IN FULL COLOR (The Herbert Bautista Biography) na nagkaroon ng launch yesterday for the entertainment press.

ADVERTISING

Interesting sa akin ang bahagi tungkol sa lovelife ni Mayor. From the book, kumpirmado na ang komedyanteng si Ruby Rodriguez (of Eat Bulaga) ay tunay na naging girlfriend

niya.

Sa libro ay ipinakilala rin ang apat na mga anak ni Mayor Bistik na nakilala ng media na hindi gaano alam ng media.

ADVERTISING

Yes, guwapo ang panganay ni Mayor Bistik na si Race na graduate ng kursong film sa New York; si Cray na musikero at nagaaral sa UP Diliman na kumukuha ng kursong music na both boys ay anak ni Mayor sa dating Kapamilya Network Executive na si Eloisa Matias.

Si Athena na only girl niya who graduated sa Ateneo de Manila recently na gusto ipagpatuloy ang pag-aaral ng Law at ang bunsong si Harvey na cutie na carbon copy niya na sinusundan ang yapak ng ama bilang artista ay anak naman niya kay Maria Teresa Gana.

MGA ANAK NI QC MAYOR HERBERT BAUTISTA, IPINAKILALA NA!
QC Mayor Herbert Bautista

Sa mga na-link sa kanya sa showbiz na mga personalidad, bukod kay Ruby ay ang Queen of All Media lang talaga ang medyo may bongga exposure sa book na until now, as of this writing ay hot item pa rin silang dalawa.

 Kung susundan mo ang mga pahayag ni Kris about Mayor Bistik, keri nito iwanan ang creer niya kasama ang 53 big endorsements para lang sa kanya na hindi makapaniwala si Mayor sa tinuran ni Tetay.

Nakakaintriga. Ano ba meron ang isang Mayor Herbert Bautista para habol-habulin ng isang Kris Aquino?

“BIG” reveal ito kung sakali madi-discover mo.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING