Mestisang produkto ng artista search, mag-iisang taon na ang relasyon sa sigang pulitiko

ADVERTISING

Mestisang produkto ng artista search, mag-iisang taon na ang relasyon sa sigang pulitiko

Mestisang produkto ng artista search, mag-iisang taon na ang relasyon sa sigang pulitikoDECOY. ‘YAN ANG scheming plan na napagkasunduang gawin ng isang mestisang girlet na kapapanalo lang sa isang artista search at ng isang siga at influential politician from the North para maitago ang kanilang relasyon.

Una nang kumalat na ang karelasyon diumano ng girlet ay ang sikat na sikat at controversial sports celebrity na pinaghahandaan ang November 14th na date, Philippine time, pero wala palang katotohanan ang lahat.

We were all taken into a circus ride, so to speak, dahil may mga nagsabi pang binigyan siya ng isang multi-million condo ng sikat na manlalaro somewhere in the posh celebrity hub sa bandang East. Only to find out na ang sigang pulitiko pala talaga ang nagbigay nito.

Malapit na raw mag-celebrate ang dalawa para sa kanilang first year anniversary ng kanilang relasyon and everybody is waiting, including the girlet, kung ano ang multi-million surprise present na ibibigay sa kanya ng kanyang politician boyfriend, but not without a condition na hindi naman masyadong kabigatan.

ADVERTISING

Kailangan daw, bago dumating ang exact date ng kanilang anniversary bilang mag-syota, e, maibalik sa dating kaseksihan ang girlet dahil medyo tumaba ito nang konti ngayon.

With a “hefty prize” at the helm waiting for her na para ka na ring nagwagi sa lotto jackpot na 6/55 nang walang kahati, aba, e, hindi mahirap ang mag-crash diet na may deadline, hendehvah?

Sigurado, hindi lang magbubuhay-prinsesa ang girlet from the Christian network kapag nagkatuluyan sila ng sigang (read: warlord) politician ‘wag lang may umeksenang boylet dahil siguradong mapipitpit ang kanyang balls… getz?

TOTOO BA ANG nakarating sa aming balita na ang Gabriela Party-list ay susuporta sa diumano’y rape victim ng dating aktor na ngayon ay nakapiit sa Kyusi City Jail na si Patrick de la Rosa?

According to some mediamen na komo-cover ng Congress, naghahanda na raw ang Gabriela kung paano nila mai-o-offer ang kanilang support sa rape victim codenamed Roxanne.

Sigurado, kung totoo man ito, e, welcome support ito sa celebrity lawyer ni “Roxanne” na si Atty. Freddie Villamor.

In the meantime, naka-receive naman kami ng tawag sa isang babaeng (not another victim but perhaps, a victim in some other way) very close kay Patrick na nagsabing daily routine na raw niya ang pagdalaw sa aktor. How sweet.

Siya rin ang nagsabi sa amin na Patrick is jailed not with the crowded cubicle sa first, second and third floor dahil nandu’n siya sa topmost fourth floor kung saan maganda ang view at maganda ang takbo ng hangin. How lucky…

OUR GAY FRIEND na kadarating lang from LA, California literally grabbed us para samahan siyang manood ng Tarima which stars Fanny Serrano dahil maganda raw ang mga reviews na nabasa niya sa internet tungkol dito.

Tamang-tama dahil accoding to TF, palabas na last November 3 ang critically acclaimed film pero bakit wala kaming nakita sa nilibot naming SM and Robinson malls in the metro? Sayang talaga.

Gusto sana naming kulitin si TF, in the same way na kinukulit din kami ng aming gay friend about the movie, pero naisip namin na busy ang beauty icon sa Philippine International Cosmetologist Association (PICA) competition, kung saan siya ang national president, dahil nagtu-tour sila ngayon all over the Philippines.

In fact, ang huling balita namin ay kagagaling lang nila sa Bicol and Bacolod to grace the regional chapter of PICA event, kaya sabi namin sa baklang friendship namin, wait na lang niya ito sa DVD kapag lumabas, ‘wag lang pirated… je,je,je!!!

For reaction, please e-mail: mediatouch2000@yahoo.com

Sour-MINT
by Joey Sarmiento

ADVERTISING