Meryll Soriano, wish na makapag-asawa na uli amang si Willie Revillame

Meryll-SorianoHINDI EKSENADORA si Meryll Soriano pagdating sa pagiging kontrobersiyal ng kanyang daddy na si Willie Revillame. Kasi nga, kung ang tutumbukin ng usapan ay tungkol sa kayamanan ng host ng Wowowin ng GMA 7, hindi mo maaasahan ang pamangkin ni Maricel Soriano na makisabat at magbigay ng mga impormasyon. Para sa kanya, okey na ‘yung malaman niya na okey ang kanyang daddy at hindi nagkakasakit.

Magaling na aktres si Meryll, at masipag siyang magtrabaho kung merong trabaho. Kaya nga kapag mayroon siyang pelikula at teleserye, heaven na ang pakiramdam niya. Mayroon kasi siyang anak na nagpapasaya sa kanya, at ang wish lang niya ay lagi siyang magkaroon ng trabaho. Wala talaga sa dugo niya ‘yung magtamad-tamaran at umasa na lang sa pupuwedeng grasya na ibigay na lang basta, ‘tulad ng ng kung ano ang puwedeng ibigay sa kanya ni Willie.

Minsan, nagkakaroon din naman sina Meryll at Willie ng mga tampuhan. Pero hindi naman iyon lumalala, dahil mahal naman ng aktres ang kanyang daddy. Ilang beses nang nauwi sa hiwalayan ang mga pakikipagrelasyon ng komedyanteng TV host, at doon lagi nababahala ang pamangkin ni Maricel. Hindi na nga naman kasi bumabata ang Kuya Will ng Bayan, kaya wish din ni Meryll na makuha ng kanyang daddy ang tunay na kaligayahan.

ChorBA!
by Melchor Bautista

Previous articleArnell Ignacio, deadma sa bashers nila ni Ken Psalmer
Next articleSharon Cuneta, emosyonal sa performance night ng talent show

No posts to display