Meryll Soriano proud na ipinakilala ang anak kay Joem Bascon

ADVERTISING
Leo Bukas

May bagong love child courtesy of Joem Bascon ang aktres na si Meryll Soriano. Ipinakilala ni Meryll ang bagong miyembro ng kanilang pamilya sa pamamagitan ng Instagram  post nito.

Sa naturang IG post ay makikitang karga ng aktres ang isang bata na hinahalikan ng aktor na si Joem Bascon. May caption ito na, “2021! May this year be kinder to us all. May we all find peace, joy and love. New year, new hopes, new positive outcomes. Happy New Year from our family to yours!”

ADVERTISING
Meryll Soriano proud na ipinakilala ang anak kay Joem Bascon
Joem Bascon and Meryll Soriano

Ang naturang post ni Meryll ay kompirmasyon ng naudlot na relasyon nila noon ni Joem at pagsisimula ng kanilang bagong pamilya.

Taong 2009 nang nagkasama sina Meryll at Joem sa Kapamilya  series na I Love Betty La Fea. Year 2010 nang maghiwalay ang dalawa pero nanatiling magkaibigan. Huling nakarelasyon ni Joem ang vlogger na si Crisha Uy.

Halos 6 years silang naging magkarelasyon at may plano na sanang magpakasal pero naghiwalay din ang dalawa noong last quarter ng 2019.

ADVERTISING

Noon 2019 ay muling nagkasama sina Joem at Meryll sa pelikulang Culion na sinasabing dahilan para muling magkamabutihan ang dalawa.

ADVERTISING