Mercedes Cabral, the new hot babe!

ADVERTISING

 

Mercedes Cabral, the new hot babe!

ADVERTISING

Mercedes Cabral, the new hot babe!OLA CHIKKA! OH, yes, yes, yes! Triple yes nga ang nabasa n’yo, mga kaparazzi! Dahil ngayon ay hot na hot ang chikka ko sa inyo, kahit sunud-sunod ang araw na umuulan! ‘Eto na, mga masusugid na kaparazzi…

Kamakailan lang ay tunay na pinag-usapan itong eksena nina Coco Martin at Mercedes Cabral, ang ligawan issue diumano na parehong idinenay ng dalawa. Sus!

Ano nga ba’ng masama kung aminin na nila ang namumuong relasyon sa kanilang dalawa, ‘di ba, mga kaparazzi? Si Coco ay dating nabansagang Hari ng mga indie at si Mercedes naman ay Reyna ng mga indie. Eh, ‘di ‘pag pinagsama sila, buo na ang kaharian ng indie films! Ahahahaha!

ADVERTISING

‘Yun na nga, sumagot itong si Mercedes sa The Buzz sa issue ng panliligaw sa kanya ni Coco, “Hindi po siya dumadalaw sa akin, sana nga, kailan kaya?” ‘Yan ang mga salitang binitawan ni Mercedes sa nasabing interview. Sorry na lang kay Maja Salvador, dahil ang tipo ni Coco ay si Mercedes Cabral. Taray ni Mercedes, ‘di ba?! Nakakaloka! Ang haba ng hair mo, ‘teh!

 

SPEAKING OF MERCEDES Cabral, hindi lang si Coco Martin at Zanjoe Marudo ang bumigay ang pagkalalaki rito, dahil maging itong si Edgar Allan Guzman ay nakikipag-agawan din sa puso nitong si Mercedes!

Sa kanilang pelikula nga sa CINEMALAYA na Ligo na U, Lapit na Me ay napakarami nilang love scenes, at after ngang mag-shoot ng pelikula itong si Edgar Allan ay mega-text-text daw sa dalaga!

Malamang baka ang … din niya ay nabuhay while doing the scene! Echos! Wahahaha!

Speaking of their newest movie na ipapalabas sa CCP at sa Greenbelt, cover na rin ng libro itong si Edgar Allan Guzman at si Mercedes Cabral!

Taray, ‘di ba? Unti-unti na talagang gu-magawa ng ingay itong si Mercedes sa mainstream! Kaya naman hindi pa man nasisimulan i-ere ang Hiyas sa ABS-CBN eh, may ino-offer na sa kanyang bagong programa? HOW TRUE ito? Oh, ‘di ba mga kaparazzi… PAK NA PAK ang chikka ko sa inyo ngayon?! Aminin ‘yan mga, ‘teh!!!

 

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino kaya ito na talagang kapani-paniwalang kaya ng aktres na ito na bumili ng 5 relo worth P2-M ang isa at iba’t ibang designs pa, kaya umabot ng P10-M?

Ayan napapansin na siya ng mga kababayan natin. Siyempre nga naman, alam naman nating malaki ang mga kinikita n’ya, siyempre ang dapat simulan niya ay tumulong sa mga mahihirap at nangangailangan, hindi kung anu-ano ang inuuna mo, ‘teh, dahil wala ka namang mapapala sa mga binili mong relo, pare- parehas lang naman ang oras, ‘di ba? Magiging masaya pa ang kapwa mo Pilipino kung nakatulong ka!!! Hahaha! Kaloka, ‘di ba?

 

KAYA KUNG AKO sa inyo, para sa more chikka… more fun, makinig kayo palagi sa programa ko kasama ko si Lady Camille ang aking anak sa DWSS1494khz 11:30 hanggang 12:00 nn at every Sunday sa DZRH666khz 2:30 to 3:30 pm… ayan ha? Siyempre hindi mawawala ang PINOY PARAZZI LIVE tuwing Biyernes sa internet.

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING