MERCEDES CABRAL, BAD TRIP!

Mercedes Cabral

HINDI NA NAMIN tinapos ang interbyu kay Mercedes Cabral  sa premiere night  ng pelikulang “Bugso” dahil bad trip kami sa pagiging feelingera niya.Akala namin behave na siya pagkatapos mabira  sa isyu sa kanila ni Mother Lily Monteverde nu’ng nakaraang MMFF pero pinatunayan niya talaga na may attitude siya.

 
Dahil guest siya  ngayon sa “FPJ’s Ang Probinsyano” ay tinanong kung si Coco Martin ba ang dahilan ng pagkakasali niya sa show. Nagkita naman daw sila sa set dahil nagkasama sila dati sa indie movie na  “Serbis” at  last na pagsasama nila  ay sa “Kinatay”.
 
Ayon kay Mercedes, creative department daw ang namili sa kanya at dahil parte ng creative si Coco ay kasali  rin ito sa nagde-decide kung  bagay ang role o hindi sa igi-guest.
 
Pero  nang tanungin ng isang katoto  kung nanligaw ba dati sa kanya si Coco o naging mag-syota  before ay  nagmaldita na siya at nag-inarte.
 
“Ano ba namang mga  tanong ‘yan? Ang tagal-tagal na. It’s 9 years,  my God! At hindi pa rin natatapos. Magkaibigan lang. ‘Yun lang actually  ang medyo nakakatawa, parang c’mmon it just a story tapos bibigyan  niyo ng isyu. Parang you don’t really like looking to… what the film is about which is somewhat  frustrating for an actors kasi mas tinitingnan nila ‘yung isyu, hindi naman dapat. Do you even care what the film is about?’
 
Hindi na namin tinapos ang litanya ng feelingerang starlet na HIV Positive  ang role sa “Bugso”.Nilayasan na namin siya habang nagsasalita. Sino ba ang nagi-isyu sa kanya? Siya ang gumagawa ng sarili niyang isyu,huh!
 
Ang “Bugso” ay  prodyus ng  Mega  Jb2M Film Productions at A.A. Rocha Films. May mensahe ang naturang pelikula tungkol sa HIV/Aids para sa awareness at enlightenment. Gusto rin namin ang  top shots ni Direk Rocha na nakikita ang mga riders sa Kabikulan.
Tinalbugan ng batang si Bon Andrew Lentejas  si Mercedes pagdating sa aktingan sa pelikulang ito.
 
Tampok din sa pelikula sina Kristoffer King, Vandolph Quizon,Victor Neri , Dong Literal  at ang TGP Riders. Ito ay sa direksyon ni  Ace Aenlle Rocha .

‘Yan Tayo,eh!
By Roldan Castro

Previous articleDahil kay Lloydie: Toni Gonzaga, nagseselos kay Ellen Adarna!
Next articleBlind Item: Baguhang singer, hindi marunong tumanaw ng utang na loob!

No posts to display