Members ng UPGRADE, naiyak sa pagkakasibak sa show ni Charice sa Japan

Members ng UPGRADE, naiyak sa pagkakasibak sa show ni Charice sa Japan

UpgradeHINDI NAIWASANG maiyak ng miyembro ng UPGRADE na kinabibilangan nina Kcee Martinez, Rhem Enjavi, Miggy San Pablo, Armond Bernas, Mark Baracael, Ivan Lat, at Raymond Tay sa ginawang pagsibak sa kanila ng producer ng Japan show nina Charice Pempenco at Rufa Mae Quinto (Lovely Explosion) ng Loyds Marketing ni Lovely Ishii.
Nasayang lang daw ang hirap nila sa pagkuha ng requirements para sa kanilang Japan visa, everyday rehearsals, promotion, at natengga at ‘di tumanggap ng shows sa mga schedules na pina-blocked ng madiwarang producer, na ang ending daw ay ang pagkakansela sa kanila at hindi man lamang binayaran ng kahit magkano.
Pinapasa-Diyos na lang daw nila ang ‘di makatarungan at pang-aaping ginawa sa kanila ni Lovely Something, nawa’y naging masaya raw ito sa kanyang ginawa.

John’s Point
by John Fontanilla