Members ng all-female group, bayaran?

ADVERTISING

Members ng all-female group, bayaran?Members ng all-female group, bayaran?OLA CHIKKA! LUBOS naman akong nagpapasalamat dahil sa kabila ng mga kaguluhan at sabi-sabi ay naging matagumpay ang ating first automated elections. Bagama’t may mga ilang problema ring kinaharap ang halalang naganap noong Lunes tulad ng mga depekto ng PCOS machine, mahabang pila, at kung anu-ano pang reklamo, sa kabuuan ay hindi na masama ang naging resulta ng panibagong sistema. Kaya naman I congratulate each and everyone that made this election successful, mula sa mga guro, kandidato, botante, gobyerno at sa lahat ng tumulong.

At dahil eksperto tayo pagdating sa showbiz,hindi nawala sa aking mga mata itong mga artistang tumakbo at ngayon nga ay ihahayag ko ang kanilang mga pangalan lamang ngunit hindi na ang posisyon dahil nuknukan na ng haba iyon.

Ilan sa kanila ang  nag-uwi ng awards at mga umuwi ring luhaan. Ikinalulungkot kong ihayag na sa kabila ng kanilang paghihirap ay hindi nila nakamtan ang tagumpay kanilang inaasam: Kabilang sa kanila ay sina Ogie Diaz, Arnel Ignacio, Aiko Melendez, Ara Mina, Edna Sanchez, Dan Alvaro, Glenda Garcia, Jobelle Salvador, Joey Marquez, Anjo Yllana, Alma Moreno, Imelda Papin, Rey Langit, Edu Manzano, Cesar Montano, Rico Puno, Angelica Jones, Jun Soler, at Rommel Padilla.

Hayaan n’yo mga kapatid at may susunod pang eleksiyon, better luck next time. Hindi nadadaan sa mabilisan iyan, kaya don’t lose hope.

At siyempre matapos ang kalungkutan, dumako naman tayo sa mga nagwagi. Congratulations kina Yul Servo, Isko Moreno, Alfred Vargas, Roderick Paulate, Manny Pacquiao, ER Ejercito Estrada, Bong Revilla, Lito Lapid, Jinggoy Estrada, Tito Sotto, Ralph Recto, Lani Mercado, Lucy Torres-Gomez, Christopher De Leon, Robert Ortega, Precious Hipolito. Iilan lamang silang mga wagi at para sa inyo, isang masigabong palakpakan!!

ADVERTISING

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino sila? Sino itong mga grupo ng kakababaihan na pagdating sa sayawan ay bidang-bida maging sa bentahan ng katawan ay bidang-bida din daw?! Naku ha! Hindi maganda ‘yan! Escort service ba ang drama n’yan?

Ayon kasi ito sa aking parazzi girl na malapit na malapit sa female group dancer na ito. Ay, may clue na! Mukhang given na dahil iilan lang sila. Ang chikka nga ay tatlo lamang daw sa miyembro nito ang hindi nagpapa-escort service ngunit ang natitira ay go lahat, lalo na sa mga makapangyarihan at big time na mga tao. Nasa P15,000 to P20,000 daw ang rate nila bawat gabi. O, anong say n’yo? Tsk, tsk, tsk!

At isa pa sa kanila ay mang-aagaw ng boyfriend dahil itong parazzi girl ko ay sobrang lapit sa kanila kaya pati mga kalokohan nila ay alam na alam na niya. Ay, naku! Kung totoo man ‘yan, hindi magandang impluwensiya ‘yan sa mga kabataan, huh!

Sino sila? Naku isa-isahin n’yo na lang ang mga female group dancer nang malaman n’yo. Ha-ha! ‘Yun na!

AT HUWAG N’YO pong kalimutan ang aking OLA CHIKKA PRODUCTIONS para sa advertisement, guesting, exposure, shows at everything regarding entertainment. For inquiries just call us at 417 6181 at 0927 428 4216. Nais ko

lamang pong linawin na hindi ko po personal numbers ang mga iyan. Lahat ng iyan ay office numbers kaya para sa mga updates sa akin at comments, maaari po kayong mag-send sa akin ng e-mail sa tita_s2006@yahoo.com. Maraming salamat po and God bless us all!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING