Member ng 4G na si Shaun Salvador, bibida na sa isang TV show

Member ng 4G na si Shaun Salvador, bibida na sa isang TV show

Shaun-SalvadorMAGBIBIDA SA isang bagong TV show na pang-teenager ang isa sa member ng 4G na si Shaun Salvador, kung saan makasasama nito ang isang sikat at controversial na teen actress at iba pang teen actor.
From singing and dancing, pumalaot na rin si Shaun sa pag-arte na unang napanood sa Walang Tulugan With The Master Showman kasama ang kanyang grupong 4G at sa commercial na Chippy.
Nag-audition daw si Shaun sa nasabing palabas at isa siya sa masuwerteng nakuha among thousands na nag-audition.
Bukod nga raw sa singing at dancing, dream din nitong makaarte at mapasama sa isang regular show. Kaya naman daw dream come true para sa kanya ang pagkakasama niya sa nasabing palabas.

Joel-Cruz-With-His-Twin-KidsJoel Cruz, libreng magbabakasyon sa Bali, Indonesia

BOUND TO Bali, Indonesia ang tinaguriang Lord of Scents na si Joel Cruz, makers ng Aficionado Germany Perfume at Joel Cruz Signatures.
Tsika nga ni Sir Joel bago umalis patungong Bali, “It’s a free trip given by my former sales agent from Ayala Land, Edouard George.
“He was happy when he received his commission from a sale of two adjacent condo units of Ayala.
“He is generous enough to share it with me, flying in a business class ticket, with hotel accommodations in Bali for 4 days.”
Kaya naman daw thankful ito sa kaibigan na nagbigay sa kanya ng free 4 days vacation trip sa Bali, Indonesia.

John’s Point
by John Fontanilla