Melissa Mendez, pinagso-sorry sa national TV

Melissa Mendez, pinagso-sorry sa national TV

Melissa-MendezNAG-SORRY NA sa kanyang social media account si Melissa Mendez sa nagawa niya, pero si Rey Pamaran, na siyang katunggali ng character actress sa isyung “Ulap” na naglikha ng kaguluhan at iskandalo sa kani-kanilang mga personal na buhay ay ayaw tangapin ang dispensa publiko ni Melissa.

Sa Instagram account ni Rey, nag-post siya ng kanyang opinion sa paghingi ng public apology ni Melissa: “Reading the response of the supposedly ‘public apology’ of Ms. Mendez, I immediately made up my mind to pursue my cases against her. “I was hoping for a more heartfelt reply, where she would not only apologize but also own up to the lies that she said on TV to defend herself while destroying my reputation,” pagkasulat niya sa IG.

Dagdag pa ng negosyante na tubong Pagadian City, bibigyan niya ng isa pang pagkakataon si Melissa in observance of the Holy Week na gawin ang nararapat. “I am giving Ms. Mendez one more chance to clear EVERYTHING IN DETAIL, including all the lies that she said about the incident. And please do it on TV, because that is where you destroyed my name. Making statements thru social media just adds insult to injury,” pagtatapos ni Rey sa huling Instagram posting niya.

Nagpa-interview na si Melissa sa iba’t ibang TV network, naisulat na sa iba’t ibang columns at online blogs ang kuwento at ang mga panig ng mga nasasangkot. Saan ngayon magtatapos ang kaguluhan na tulad ng inaasahan ay isang karnabal?

Si Melissa, nag-sorry na kay Rey sa IG account niya, pero deadma si Rey at hindi kumbinsido. Si Rey itinuloy ang demanda sa character actress last Wednesday sa Pasay Prosecutor’s Office sa tulong ng kanyang abogado na si Atty. Raymond Fortun. Ang inihain na rekalamo ng model-realtor na si Pamaran ay slander by deed with damages totaling to P3 million laban kay Melissa.

Reyted K
By RK VillaCorta