Melissa Mendez, ‘di magpapatalo kina Andrew Wolff at Rey Pamaran

Melissa Mendez, ‘di magpapatalo kina Andrew Wolff at Rey Pamaran

Melissa-Mendez-Rey-Pamaran-Andre-WolffSINUSUBAYBAYAN PA rin itong away ni Melissa Mendez laban kina Rey Pamaran at Andrew Wolff.

Lumapit na yata siya sa Gabriela at mukhang tutulungan siya dahil ang sabi nito, itong grupong ito ay haharap kina Pamaran at Wolff.

Naglabas kasi ng statement si Rey Pamaran na hindi na raw niya itutuloy ang pagsampa ng kaso laban sa aktres kung maglabas lang ito ng public apology at sabihin lang daw ang buong katotohanan.

Pero sinagot naman siya ni Melissa na lalabanan daw niya ito alang-alang sa mga kababaihan na na-humiliate, na-bully, na-harass, at naapi kagaya nu’ng nangyari sa kanya sa eroplano.

Sabi pa niya sa kanyang post sa Instagram, wala raw karapatan si Andrew na ganunin siya dahil hindi raw ito Filipino citizen.

Bahagi pa ng post niya sa Instagram: “You Rey Pamaran and Andrew Wolff have caused me severe trauma and emotional heartbreak for the shame you have caused me. You’ve made a mockery of me trying to destroy my reputation.

“Gabriela will deal with you.”

Mukhang mahaba pa ang tatakbuhin nitong gulong ito, at tuluy-tuloy itong pinagpiyestahan sa social media.

Hay, naku! Sa totoo lang, lalo pa yatang bobongga ang career ni Melissa rito.

Ang maloloka ako, makakalkal si Rey Pamaran na pinagdudahan kung ano raw ba talaga ang relasyon nila ni Andrew! Makibalita na lang ako!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis