Melason, may dalang kamalasan?

GAANO KAYO NANINIWALA na ang tandem nina Melai Cantiveros at Jason Francisco ay may dala raw kamalasan? Mula nang lumabas ang dalawa sa bahay ni kuya, magkakasunod na project ang ibinigay sa kanila, teleserye, pelikula, comedy shows… pati endorsements. Napapansin ng mga mahadera na habang tumatagal eh, humihina ang Melason. Una na d’yan ang hindi pagkagat ng publiko sa kanilang kauna-unahang movie together na Puresa. Ikalawa, kung dati’y araw-araw nating napapanood ang Banana Split sa Dos, ngayon eh, once a week na lang. At ikatlo, hindi na rin masyadong uma-appear ang beauty ni Melai sa Happy Yippee Yehey, kung saan pati si Jason ay natsugi na rin yata. Hay, naku ang kasikatan nga naman, hindi pangmatagalan at nawawalan din ng kinang. May dala nga bang kamalasan ang samahan nina Melai at Jason kaya biglang nawawalan ng ningning ang kanilang bituin?

Photos by Mark Atienza, Ricky Agapito, Fernan Sucalit & Parazzi Wires

By MK Caguingin

Parazzi Chikka
Parazzi News Service

Previous articleTuluy na tuloy pa rin next year…Paglipat ng PBB sa Singko, false alarm?
Next articleHeaven na masaya naman ang anak na si Luis Manzano, pero… Gov. Vilma Santos-Recto, nami-miss din si Angel Locsin!

No posts to display