Melanie Marquez is asking for a house from Sen. Lito Lapid for their son Manuelito!

ADVERTISING

 

Melanie Marquez is asking for a house from Sen. Lito Lapid for their son Manuelito!

ADVERTISING

Melanie Marquez is asking for a house from Sen. Lito Lapid for their son Manuelito!KUNG MINSAN, ME mga taong ang lalakas ng loob bumanat ng kanilang kapwa, pero ang nakakalimutan nilang itanong sa sarili nila eh, “Perpekto ba ‘ko? Tama ba ang lahat ng ginagawa at naging desisyon ko sa buhay? Never ba ‘kong nagkamali?”

Santo ba ang tingin nila sa sarili nila para ipangalandakan nilang lahat ng sinasabi nila ay tama at ‘yun ang dapat na mangyari?

Paano sila paniniwalaan kung basang-basa na ang papel nila sa tao?

ADVERTISING

Paano sila paniniwalaan kung parang normal na lang sa kanila ang mang-away, mang-okray ng ibang tao, habang ang ibang tao na pinakikinabangan kasi nila ang pinaliliguan nila ng papuri?

Hay, nako…

‘Yan ang naiibang ugali ng ibang Pinoy.

Isa na lang ang masasabi namin diyan: nakakalokah!

 

TAWA KAMI NANG tawa kahapon, kasi, kahit gusto naming sabihing gago ‘tong si Rico J. Puno ay mas mauuna muna ang tawa namin, dahil sa mga hirit niya sa Happy, Yipee, Yehey!

Mainstay na pala si RJP sa show na ‘yon nina John Estrada, Randy Santiago, Melai & Jason, Toni Gonzaga, Mariel Rodriguez, atbp.

O, at least, isa man sa kanilang tatlo ang mag-absent ay hindi pa rin halatang bungi ‘yung show. Nandiyan pa naman ang walang kamatayang loveteam nina John Prats at Bianca Manalo.

Na ‘eto na. Napag-alaman naming “playing beautiful music together” na pala ito.

Juice ko, height doesn’t matter, dahil ‘ika nga, pagdating naman sa kama, pantay lahat ang mga paa nila.

Pero ewan lang namin kung umabot na du’n, ha? Basta ang alam namin, they make a cute pair. Juice ko, imadyinin n’yo si John Prats na nakikipag-usap ke Bianca. Hindi kaya magka-stiffneck si Pratty at makuba naman si Bianca?

 

HINDI NAMIN KINAYA ang guesting ni Ms. Melanie Marquez sa Gandang Gabi, Vice! na this Sunday na mapapanood.  Sumakit ang panga namin sa katatawa, dahil ikinuwento ni Melanie ang “history” ng mga famous lines niya.

Tulad ng “Don’t judge my brother, he’s not a book!” at ‘yung “Why should I have a calling card?  I’m not a call girl!” at dalawa pang linya.

Pito na ang anak ni Melanie sa tatlo o apat na minahal niyang lalake.

At si Manuelito na love child nila ni Sen. Lito Lapid, ang sey ni Melanie, “In fairness to Lito, ‘pag humingi ako ng suporta para sa anak namin, bigay naman siya. Supportive naman siya kay Manuel.

“Heto nga, baka ihingi ko na rin ng bahay ang anak ko, dahil ang alam ko, lahat ng anak niya, binigyan niya, pa’no naman ang anak ko, ‘di ba? Pero knowing Lito, hindi niya pababayaan si Manuelito pagdating diyan.

“He loves all his kids, kaya feeling ko naman, hindi naman ako mahihirapang hingan siya ng bahay para sa anak namin!”

In fairness naman kay Sen. Lito Lapid, wala namang anak nito ang nagreklamong pinabayaan sila ng kanilang ama, kaya love namin si Sen.

 

TINEKS NA NAMAN namin ng sita si Vhong Navarro kahapon, dahil sumakit na naman ang ulo namin sa “ulo” niya.  Hahaha! ‘Kalokah, nakaka-distract ang “bukol express” ng lolo n’yo kahapon sa Showtime. Parang may tagu-tagong santol!

“Maglaway ka diyan!” sabi ba naman ng potah sa reply niya sa text.

“Wala ba talagang padding ‘yan?”

“Hahaha! Ba’t ako magpa-padding? Sexy star ba ‘ko? Hahaha!”

“O, i-maintain mo ‘yan para hindi na maglipat ng channel ang mga bakla!”

“Bwahahahahaha!”

 

Kung type n’yo kaming sundan sa twitter, i-search lang ang @ogiediaz at sa aming blogsite na www.ogiediaz.blogspot.com at i-like ang aming FB fanpage na “The Ogie Diaz.”

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING