Melai, napagkamalang aswang ni Baby James!

ADVERTISING

Melai, napagkamalang aswang ni Baby James! Melai, napagkamalang aswang ni Baby James! OLA CHIKKA! TALAGA namang napakagaan ng loob ko sa mga bata, dahil nakatutuwa sila. Ngunit wala nang mas nakatutuwa pa rito sa nasagap na kababalaghan… este, katatawanan na chikkang nasagap ng aking parazzi girl sa loob ng bakod ng Dos.

Ang hot na hot na loveteam nila Melai Cantiveros at Jason Francisco ay naglalakad sa hallway ng ABS-CBN nang makita nitong si Melai si Baby James Yap ni Kris Aquino na naglalaro kasama ang mga bodyguard. At dahil si Baby James ‘yun ay tuwang-tuwa itong si Melai sa bata ngunit ang bata ay mukhang hindi natuwa sa kanya at sa halip ay natakot pa! Ano ‘yun, ASWANG?!

Tuwang-tuwang lumapit si Melai kay Baby James at sa sobrang takot nitong bata ay nagtatakbo palayo na nanginginig pa! Ha-ha! Eh, ang gagang Melai, lalo pa yatang tinakot dahil nagtatalon pang parang palaka habang nakatigin sa kanya si Baby James.

Kawawang Baby James, dahil naglalaro lang ay natakot na, o hindi kaya si Melai ang kaawa-awa dahil natuwa lamang, kinatakutan na! Pagkamalan bang aswang?! Ha-ha! Alam ba ni Kris ‘yan?!

AT SPEAKING OF kaalaman ay alam n’yo na ba na talagang nilampaso nitong Showtime ng Dos ang Diz Iz It! ng Siyete?! Sige nga, sabihin n’yo kung bakit dapat panoorin ng mga tao ang Diz Iz It!?

ADVERTISING

Alam nating lahat na copy cat din itong Showtime, pero they copied it very well and even better. Diz Iz It! vs Showtime? Eh, production pa lang, walang-wala na ang Diz Iz It, dagdagan mo pa ng mga hosts at judges na pinagsawaan na ng ibang stasyon at mga wah na career.

Ganun na ba ka-desperado ang Siyete at gumawa ng show na mukhang hindi pinaghandaan nang maayos?! Excuse me pow! Sayang ang budget!

Sa pinakahuling program ratings na nakita ko, eh, halos 13% ang lamang nitong Showtime sa Diz Iz It!

So, ano sa tingin n’yo ang dapat gawin ng Siyete para humabol sa Dos?!! Hmmm… eh, kung ang beauty ko na lang kaya ang kunin nila malamang si Anne Curtis pa lang taob na! Ha-ha! ‘Di ba Papa Vhong?!

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya?! Mahulaan n’yo kaya itong baon kong chikka na kaloka-loka dahil sa sobrang dali ay kahit walang clue gets, mo na!

Sino itong singing-actress na pinanghinayangan daw ng kanyang istasyon sa pagpo-produce pa ng kanyang teleserye dahil unang araw pa lamang ay naku, ‘day! Daig pa ang dumi ng bata dahil nilangaw na, as in bagsak ang rating!

Sa bagay, bakit ka pa nga naman manoood ng retokadang artista kung meron naman d’yang natural na ang ganda, bata pa?!

Sino itong singing-actress na talunan sa rating ang drama?! Tawagin na lamang natin siya sa pangalang Flop Diva! Kung hindi n’yo pa mahulaan, eh, baka pati kayo langawin na! Ha-ha! ‘Yun na!

Para sa mas maiinit  pa na chika at makatotohanang balitaktakan pakinggan n’yo po kami sa DWBL 1242 khz kasama ang sosyalera kong co-host na si Michelle Junia every Monday to Friday mula 8 hanggang 9 ng umaga at sa RHTV / DZRH tuwing linggo 2:30 to 3:30 pm. This is your Tita Swarding saying thank you very much and God Bless!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING