Melai Cantiveros, sobra na kung barahin at bastusin ni Karla Estrada sa kanilang morning show

ADVERTISING

Melai Cantiveros, sobra na kung barahin at bastusin ni Karla Estrada sa kanilang morning show

Melai Cantiveros & Karla Estrada
Melai Cantiveros & Karla Estrada

Aliw si Melai Cantiveros as one of the hosts of the morning show “Magandang Buhay”. Pampa-good vibes ang komedyante. Pampagaan ng umaga mo kung sa paggising mo ay bad trip ka. Ang galing niya. Sa totoo lang ay sapaw niya ang dalawang co-hosts na sina Karla Estrada at Jolina Magdangal.

Pero kahit gaano ka man kagaling, kung may nambubuwisit naman sa ‘yo na gusto mo lang maging masaya ang show ninyo, mabubuwisit ka nga malamang.

I find Karla Estrada’s type of hosting sa “Magandang Buhay” rude sa ginagawa niyang pambabara at pambabastos kay Melai kapag nagtatanong ito sa kanilang mga guests. Hindi lang ito nangyari noong Tuesday morning nang ang dalawang bagets na sina Iñigo Pascual at Khaliel Ramos ay special guest nila, but this is almost a daily routine seeing Karla na hindi masaya sa galing ng kanyang co-host.

You cannot teach breeding (or even buy it), but the show’s production staffs, lalo na ang Executive Producer (kung sino man siya) ‘di man lang maturuan ng ethics on TV hosting si Karla.

ADVERTISING

As a regular viewer ng show, halos tuwing umaga, hindi maipagkakaila na a Melai Cantiveros is smarter than Karla Estrada as a host. I find Melai Cantiveros more natural at hindi put-on. What you see on Melai ay siyang-siya.

Mabuti na lang, pambalanse si Jolina Magdangal na you see in her kung papaano siya pinalaki ni Daddy Jun (Magdangal) to be a fine lady with class and finesse in hosting.

Siguro, kahit wala si Karla ay tatakbo nang matiwasay ang show with Melai and Jolina only as hosts.

Sa totoo lang, wala siyang contribution sa morning show. She’s just the mom of Daniel Padilla and in the end, siya ang food sweeper sa cooking segment ng palabas.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING