Melai Cantiveros, p’wede ring maging seryosong aktres

Melai Cantiveros, p’wede ring maging seryosong aktres

Melai Cantiveros
Melai Cantiveros

Puwede rin palang maging seryosong aktres itong si Melai Cantiveros. Unti-unti niya itong ipinakikita sa feel-good series na “We Will Survive” na pinagbibidahan din ni Pokwang.

Hindi lang basta pagiging kikay at pagbibitaw ng nakatatawang punchlines ang kayang gawin ni Pokwang dahil nagpapatulo na rin siya ng luha sa ilang eksena sa show. Saan kaya siya humuhugot sa ganung mga eksena, eh, obvious  naman na very happy ang buhay nila ngayon ni Jason Francisco?

Among Pinoy Big Brother (PBB) graduates, isa si Melai Cantiveros sa nananatiling visible hanggang ngayon sa TV at pelikula. ‘Yung iba kasi naglaho na at nawalan  na ng career.

Ang iba pang produkto ng PBB na nakikita naming may mga raket ay sina Sam Milby, Robi Domingo, Kim Chiu, Gerald Anderson, at Jayson Gainza. The rest, wala na sa showbiz at iba na ang ginagawa ngayon.

Anyway, kasama rin nga pala sa “We Will Survive” sina Ahron Villena, Jeric Raval, Jana Agoncillo, at Carlo Aquino.

La Boka
by Leo Bukas