Melai Cantiveros, malakas pagdating sa text votes sa talent show

Melai Cantiveros, malakas pagdating sa text votes sa talent show

Melai-CantiverosSIGURADONG MATINDI ang magiging pasiklaban ng Top 4 grand finalists ng Your Face Sounds Familiar sa Sabado, June 6,sa Resorts World Manila. Hindi muna ini-reveal kung sino ang gagayahin nina Melai, Jay-R, Edgar Allan (EA), at Nyoy last Sunday during the announcement of the Top 4, para raw mas maging exciting at ma-surprise din ang audience.

Kahit anong pilit din namin sa Top na sabihin kung sino ang ii-impersonate nila ay nanatili silang dedma.

Say naman ng business unit head ng Your Face, ire-represent ng apat ang iba-ibang era ng mga music icons para ma-please ang lahat ng audience bata man o matanda.

Nag-iisang babae lang si Melai sa kanilang apat at tanggap nina Nyoy, Jay-R at EA na pagdating sa text votes, kung saan ito ang last component sa grand finals, ay talagang malakas si Melai. Matatandaan na thru text votes din kaya naging grand champion si Melai sa Pinoy Big Brother.

P2 million (P1 million sa chosen charity) ang prize ng first-ever grand winner ng Your Face Sounds Familiar. Ayon kay Nyoy, gagamitin niya ang pera sa nalalapit niyang kasal sa February 2016. Para naman kay EA, idadagdag niya ito sa kanyang ipon para mabilhan ng bahay ang kanyang nanay.

Dahil nga pala sa YFSF, bumango ang career nina Nyoy, EA, Melai at Jay-R kaya laking pasasalamat daw nil sa show at sa ABS-CBN.

La Boka
by Leo Bukas