Melai Cantiveros, kinakabaliwan tuwing hapon!

ADVERTISING

Melai Cantiveros, kinakabaliwan tuwing hapon!Ilang araw pa lang umeere sa ABS-CBN Haponstastic ang Precious Hearts Romances Presents Impostor, pero marami na kaming nababasang magagandang komento rito partikular na sa Pinoy Big Brother Double Up Grand Winner na si Melai Cantiveros.

Kung naaliw na ang sambayanang Pilipino sa kanyang natural na pagpapatawa sa loob ng Bahay ni Kuya, mas lalo namang bumilib ang lahat sa timing niya sa comedy. Matagumpay na nakipagsabayan ito sa napakagaling na si Maja Salvador. Sa katunayan nga, parang inangkin na ni Melai ang nasabing palabas. Kinakikiligan din ang pambihirang chemistry nila ni Sam Milby. Ang iba’y napasigaw na lang sa bigla-bigla nilang halikan at ang iba naman ay nainis dahil sa inggit. O ‘di ba, ang haba ng curly hair ni Inday Melai?!

ADVERTISING

Huwag din naman nating kalimutan ang dyowa niyang si Jason Francisco. Okey rin naman ito sa pagpapatawa, pero marami pa itong dapat i-improve sa pag-arte niya. Dapat siguro’y bigyan ito ng Dos ng mabilisang acting workshop. Kapansin-pansin din na medyo alangan ito sa ibang eksena lalo na kung sina Sam at Maja ang kaharap.

Dito sa Impostor, napatunayan ni Melai na talagang may ‘K’ siya na maging isang komedyana. Sana lang ay hindi ito ma-overexpose para hindi pagsawaan ng mga fans. Marami-rami na rin ang nagre-request na sana’y magkaroon na ito ng launching movie sa Star Cinema. Pagbibigyan naman kaya? Abangan na lang natin!

Questions? Comments? Suggestions? E-mail us at pinoyfansclub@gmail.com. Visit our website at http://www.pinoyfansclub.com

ADVERTISING
ADVERTISING