Melai Cantiveros, deadma sa isyung siya ang bumubuhay sa pamilya nila ni Jason Francisco

ADVERTISING

Melai Cantiveros, deadma sa isyung siya ang bumubuhay sa pamilya nila ni Jason Francisco

Melai Cantiveros
Melai Cantiveros

Deadma si Melai Contiveros sa intrigang ibinabato sa kanilang mag-asawa. Kesyo si Melai raw ang bumubuhay sa kanyang pamilya at umaasa lang daw si Jason Francisco (husband ni Melai) sa kanya. Mag-isa lang daw binubuhay nito ang kanilang nag-iisang anak.

Pero pinagdiinan ni Melai Cantiveros na walang katotohanan ang ibinibato sa kanyang husband na si Jason, dahil una ay may show raw ito ngayon at kasama sa bagong serye ng ABS-CBN na “My Super D”.

Bongga to the max naman daw kung makapaghusga ang mga tao na hindi naman alam ang katotohanan.

Ayon kay Melai, nagkataon lang daw na sunud-sunod ang kanyang raket, kaya akala ng iba ay siya lang ang nagtatrabaho. Hindi lang daw kasi alam ng iba na may trabaho rin si Jason Francisco dahil ‘di lang ito nababalita.

ADVERTISING

Kapwa raw nila itinataguyod ang future ng kanilang anak. Pero may araw nga lang na kapag walang trabaho ang isa ay siya naman itong nasa bahay para alagaan ang kanilang anak.

Aminado si Melai na nasasaktan siya sa ginagawang pambabatikos kay Jason. Idinadaan lang daw niya sa biro para kahit paano ay maibsan ang sakit.

Nagpapasalamat si Melai bukod kasi sa mayroon siyang “We Will Survive”, may bago rin siyang show sa ABS-CBN ang “Magandang Buhay”, kung saan kasama niya ang mga dating kalaban sa Your Face Sounds Familiar na sina Karla Estrada at Jolina Magdangal.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING