Melai Cantiveros, balak kasuhan ang pro-Duterte basher sa pagdamay sa kanyang anak

ADVERTISING
Melai Cantiveros With Daughter and Husband Jason Francisco
Melai Cantiveros With Daughter and Husband Jason Francisco
Melai Cantiveros Instagram Post
Melai Cantiveros Instagram Post

“Handa ako mag file ng kaso sa taong to.” Saad ni Melai Cantiveros sa kanyang Instagram account patungkol sa isang pro-Duterte basher na nagngangalang Shawi Constantino Enriquez, matapos na idamay ng nasabing netizen ang 2-year old daughter nila ni Jason Francisco sa panglalait sa kanya.

Ipinost ni Melai Cantiveros ang social media post ng naturang netizen na kanyang ikinagalit. May kinalaman ang post ng pro-Rodrigo Duterte netizen sa ineendorsong presidential candidate ni Melai na si Mar Roxas, kung saan tinawag nitong mukhang pera ang komedyante, sinabihang ipaayos ang ngipin dahil mukhang mangkukulam, at sana raw ay ma-rape ang anak ni Melai.

Hindi mapagpatol si Melai sa mga basher, pero ibang usapan na raw ‘pag idinamay na ang kanyang anak. Aniya sa kanyang post: “hindi ako nakikipag away kahit binabash ako dahil si Mar Roxas ang napili at gusto kong presidente . Pero kung sasabihin mo saken ‘sana ma-rape ang anak ko’ —-ay ibang usapan na yan. Lalaban ako dahil hindi na tama ang punto mo. Pati anak kong baby na babae idadamay mo!? Sa mga kaibigan kong supporter ni Duterte tingin nyo ba tama pa tong ginawa ng kapwa nyong supporter? Handa ako mag file ng kaso sa taong to. Pls help me repost her face sa social media ang pangalan nya ay ( Shawie Constantino Enriquez ).’pra makafile ng kaso sa knyang pagbabanta at pangbu-bully na itu , di na normal ginagawa nya ,at mananawagan ako sa DSWD at Bantay Bata sa pwedeng aksyon nila sa babaeng walang puso na itu . #pleaseHELP #speakforeverybody”

By Parazzi Boy

ADVERTISING