Melai Cantiveros at Jason Francisco, patutunayan sa mga naninira na kaya nilang mag-pamilya

ADVERTISING

Melai Cantiveros at Jason Francisco, patutunayan sa mga naninira na kaya nilang mag-pamilya

Melai-Cantiveros-Jason-FranciscoMELAI CANTIVEROS and Jason Francisco will tie the knot on December 9 in General Santos City, ang hometown ni Melai.

The soon-to-be-married couple guested on Buzz ng Bayan para bigyang-linaw ang ilang mga kontrobersiyang ikinakabit sa kanila at mga kaibigan. Melason confessed that they were hurt sa mga binitiwang salita ng ilang kaibigan tungkol sa kakayahan ni Jason na suportahan ang kanilang pamilya pero sa kabila ng lahat ay dinenay ng dalawa ang balitang hindi imbitado ang ibang kaibigan sa mahalagang araw na ito.

“Ang totoo niyan invited talaga sila. Kaya lang hindi pa na-release ang invitation. At tsaka kasi nauna si Kuya Zanjoe [Marudo] kasi inunang i-deliver iyong sa Star Magic so doon nasabay si Kuya Zanjoe,” paglilinaw ni Melai.

“Actually ako, Tito Boy, meron akong pagka-konting tampo sa kanila. Kasi iyong parang ganon nga, nagtatampo ako na parang ina-underestimate nila si Jason na ano daw ang ipapakain sa akin. Kasi ako, Tito Boy, wala naman akong problema. Alam naman nila na sa akin ay what you see is what you get. Ayoko rin naman kasi na kung sasabihin ninyong ganoon. Sa personal na lang sana kasi nasaktan iyong pamilya ni Jason so sobra talaga akong na-hurt.” Melai said she received a text message from Angelica Panganiban after her guesting on KrisTV.

ADVERTISING

Sabi naman ni Jason, “Sabi ko eh, iyong mga tao ngang nandiyan na putol ang kamay, putol ang paa eh, nakakapagtrabaho pa, ako buong-buo pa ang katawan ko. Kahit takbuhan, kahit ano, magagawa ko para sa kanila.”

May mga intriga man silang kinakaharap ngayon ay excited na ang dalawa sa nalalapit nilang kasal. “Over-over po. Pero dapat hindi ka masyadong excited, baka ka matisod,” ang kuwelang sabi ni Melai.

Nananiniwala ako na balang araw ay maaayos din ang anumang gusot sa pagitan ng magkakaibigan.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

ADVERTISING