Mel Tiangco cried hard upon after learning that her show Mel & Joey is to be off the air?!

ADVERTISING

 

Mel Tiangco cried hard upon after learning that her show Mel & Joey is to be off the air?!

Mel Tiangco cried hard upon after learning that her show Mel & Joey is to be off the air?!MATATAPOS NA ANG Mel & Joey sa ere!

Ito ang nakarating na balita sa amin kung saan nang sabihin daw ito sa isa sa mga hosts na si Tita Mel Tiangco eh, nag-iiyak na lang nang nag-iiyak ang premyadong brodkaster.

Nasa Italy naman si Tito Joey De Leon para sa pagtatanghal doon ng Eat…Bulaga!.

ADVERTISING

Nagtataka nga ang mga nakabalita rin dito kung bakit biglang tsutsugihin ang nasabing palabas, gayong kung commercial loads naman daw ang pag-uusapan eh, humahataw naman ito. At mataas din naman ang ratings.

Isa kami sa manghihinayang dahil kapag Linggo ng gabi na nasa bahay ako, pinapanood ko talaga ang mga features nila lalo na kung nasa ibang bansa ang dalawa.

And one thing more, dahil sa nasabing show kung kaya isa ako sa nabiyayaan sa isang life-changing story.

Because of the show’s researcher Xaris Hope Tamayo, kaya napansin ang kalagayan ng ilong ko. At doon ko naman sa show na-meet ang isa sa pinakamahusay na doctor na ‘yun pala ang expertise, si Dra. Grace Beltran. At dahil may pag-asa na ma-operahan, napanood ito ng best friend kong si Arnell Ignacio, kaya napadali ang pag-opera na later on eh, nalaman kong ‘Rhinophyma’ case ng nose ko.

Kaya, nakagugulat naman talaga na sa dami rin ng mga taong natutulungan at nabibiyayaan ng nasabing palabas, kahit na at the height ito ng kanyang kasikatan dahil marami ang nanonood at tumatangkilik eh, siya ang napili para tanggalin. Ano ba ang ipapalit? Ang show ni Manny Pacquiao o ang panibagong game show ni Tito Joey, ang Win Mo Kapuso?

Lahat naman, talagang mag-e-end. Kaya lang, hindi ito inaasahan ni Tita Mel. O baka naman may iba ring show na ibibigay sa kanya, kahit nasa news siya at sa mala-lifestyle na show niya sa QTV-11.

 

SA KAABALAHAN NIYA ngayon sa taping ng nagsimula nang ipalabas na Reputasyon sa ABS-CBN, masaya ang Aiko Melendez sa naibigay na role sa kanya sa pinagbibidahan ni Cristine Reyes.

Bilang asawa ng isang pulitiko sa nasabing palabas, si Aiko ang magiging katunggali ni Cristine sa ikot ng istorya nito.

Kahit na nawala sa kanya ang role sana niya sa Atom, kung saan muli sana silang magsasama ng ex-husband niyang si Jomari Yllana, sabi nga ni Aiko, kung may nawala, may ipapalit.

Kaya ang tanong ko sa kanya eh, kung ganoon din ba ang paniwala niya lagi pagdating naman sa mga usaping puso?

“Hahaha! Ikaw ‘Nay, ha? Eh, wala rin naman akong kasawa-sawang magmahal, ‘di ba? Wala naman akong nire-regret. It’s just that sometimes, may mga hamon ka pa ring kailangang harapin kahit na may natapos na. Biglang may babalik sa ‘yo na kaguluhan pa. Kaya ngayon, hinaharap ko na lang by the day.”

Dagdag pa nito, “Five months of being single, I am loving every moment, second of it. There is so much life ahead after every downfall. I am seeing things clearly now. At natutuwa ako na masaya for me ang Mom ko, ang Daddy Danny ko. And I have my Andre and Athena in my life. So, hindi puwedeng sabihin na at this point eh, lonely pa ako. I’ve got the best. I am at my happiest!”

Eh, imposible naman siyang mawalan ng mga manliligaw ngayong sige siya ng kaka-diet at lalo pang pagpapaganda. Marami na nga ang nagsabing malamang na merong bumalik na ex sa kanya.

“Haha. Kasi, sinabi ko na si Jom (Jomari Yllana) ang acting coach ko ngayon. Hindi naman nawala kasi ‘yung friendship namin ng Papa Jom mo, eh. Kasi nga may Andre kami. Kaya, every once in a while, sa mga usapan na ‘yon nakakapag-share din kami ng mga thoughts namin about life. Ang love eh, naku… darating kung akin na talaga!”

The Pillar
by Pilar Mateo

ADVERTISING