Megan Young, ‘wag daw siyang ikumpara kay Marian Rivera

John-Fontanilla-Megan-YoungNAKIKIUSAP ANG kauna-unahang Pinay Miss World at pinakabagong Marimar na si Megan Young na ‘wag silang pagkumparahin ni Marian Rivera na gumanap din bilang Marimar ilang taon na ang nakalipas.
Tsika nga ng napakabait na aktres, magkaiba naman daw ang atake nila sa pagganap bilang Marimar, katulad ng sa kanya na medyo modern at napapanahon ang mapanonood ng Kapuso viewers, habang iba rin naman ang naging pagganap ni Marian noon naqng ginampanan niya ang Marimar.
Sa bagong hain na Marimar daw, may bagong character na mapanonood na dapat pakaabangan. Kaya naman daw pakatutukan ang muling pagsasa-telebisyon nito na nakatakdang mapanood mamayang gabi sa primetime ng GMA 7.

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articleAngelu de Leon, isa pang anak ang birthday wish
Next articleVice Ganda, namimigay na ng datung sa noontime show para umangat ang rating

No posts to display