Megan Young, todo-iwas na pag-usapan ang tungkol sa BF na si Mikael Daez

ADVERTISING

Megan Young, todo-iwas na pag-usapan ang tungkol sa BF na si Mikael Daez

Megan-YoungANG GANDA ng kulay ni Megan Young. Mala-mulata na pinaghalong Pinay at may pagka-European ang beauty.

ADVERTISING

Tipong babeng pang-leading lady sa mga pelikula ni James Bond. International ang beauty, ‘ika nga, na magugustuhan ng kahit na sinong nasyon. Sa lenguwaheng beki, beauty na pang-United Colors of Bennetton. Ang ama naman kasi niya na isang Brit, malakas din kasi ang dugo na ang pagiging kulay Pinay niya, ang features ng dalaga kuha naman malamang sa ama.

Kaya nga sa remake (hindi naman daw kopyang-kopya at updated na ang bagong version) ng Marimar, ang sikat na Mexican telenovela noon na unang ni-remake ni Marian Rivera, akma kay Megan ang lead role. Sa mga publicity photos, seksing-seksi ang dalaga. Yes, natural ang kulay ng skin niya na morenang-morena na mine-maintain din niya dahil bagay sa kanya. “I just put some sunblock,” kuwento niya sa amin.

Sabi ko kay “Marimar”, puwede niyang subkan ang timpla na coconut oil at ang sikat na cola na paghahaluin lang niya para mas maganda at darker ang outcome ng pagpahid niya at lalong morenang-morena ang outcome.

ADVERTISING

“Nakasusunog daw ‘yun?” patanong niya sa group of writers na nakatsikahan niya sa media launch ng serye niya sa GMA 7 na magsisimula na sa Monday, August 24 pagkatapos ng sa 24 Oras.

Sa serye, makapapareha niya ang guwapong si Tom Rodriguez na gaganap as Sergio. Mabuti na lang, both stars of the serye ay may kanya-kanyang lovelife. In short, walang maiintriga na kesyo nali-link sila sa isa’t isa o ‘di kaya’y nangaliwa si Tom at si Megan naman ay nagtaksil sa boyfriend.

Open ang relasyon ng dalaga kay Mikael Daez, pero that evening sa media launch, hindi niya sinasagot ang tungkol sa boyfriend. Todo-iwas ang dalaga sa tanong ng press. Bawal yatang pag-usapan, obserbasyon ng marami.

After her stint with Miss World, itong Marimar ang major acting job niya. Kung maaalala pa, halos inikot na ni Megan ang iba’t ibang networks noon bago siya nahirang as Miss World. Nagsimula sa Kapuso Network, rumaket nang konti sa istasyon ni MVP, at ngayon nagbabalik siya sa Kapuso Network, kung saan isa siya sa dating Avengers ng Starstruck.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING