Megan Young, kini-claim ng 3 big networks na artista nila!

ADVERTISING

Megan Young, kini-claim ng 3 big networks na artista nila!

Megan Young, kini-claim ng 3 big networks na artista nila!WAGING-WAGI NGAYON ang kuwento tungkol kay Megan Young bilang siya ang kauna-unahang Pilipina na nakuha ang titulong Miss World.

Mailap talaga ang titulong ito sa ating mga kandidata, kaya malaking bagay itong pagkapanalo ni Megan.

Ang isa pang nakatutuwa, ito lang si Megan ang kini-claim na artista ng tatlong TV network.

Sa GMA-7 kasi talaga siya nagsimula, dahil sumali siya sa Startruck 2, kaya lang hindi naman siya ang nagwagi. Iyon ang batch nina Mike Tan at Ryza Cenon, pero isa sa pinakaborito nu’n si Megan. Actually, siya ang pinakamaganda sa batch na ‘yun.

ADVERTISING

Hindi naman naging maganda ang career ni Megan sa Kapuso network, lumipat ito ng ABS-CBN 2 at hinawakan ng Star Magic.

Nasa Star Magic pa rin siya hanggang ngayon, kaya lang tinanggap nito ang alok  ng TV5 na maging kontrabida ni Ritz Azul sa Misibis Bay. Kaya inako rin siya ng TV5.

Since nasa GMA-7 ang Miss World Philippines, nandito uli si Megan. Kaya bongga ang exposure niya dahil binigyan ito ng oras ng tatlong malalaking TV network.

Ang inaabangan ngayon, ang pag-uwi ni Megan ng bansa. Pero baka isang linggo pa bago makauwi dahil tumuloy na ito ng London para gampanan ang role niya bilang Miss World.

Siyempre, hinihintay ang pagbalik ni Megan ng bansa dahil tiyak na bibigyan ito ng hero’s welcome.

Sa totoo lang, si Megan ang isa sa magpapagaan ng damdamin ng Pilipinas sa mga pinagdaanan nito ngayon.

Sana nga makabalik na si Megan sa lalong madaling panahon.

 

HINDI LANG si Megan ang Pinoy na wagi sa Indonesia kundi pati si Kobe Paras na isinali siya roon sa Slamdunk competition.

Obviously, between Kobe at Andre, si Kobe ang pinakamagaling na anak ni Benjie Paras sa basketball.

Sikat din siya sa Indonesia dahil mahilig din doon sa sports.

Nu’ng kamakalawa ng gabi siya dumating galing Indonesia at sinundo ito nina Andre at ng stepmother niyang si Lyxene Paras.

Naku! ‘Pag nalaman ni Jackie na si Lyxene ang sumundo at isa sa pinaka-proud sa bagong achievement ni Kobe, baka magwawala na naman ‘yan sa Twitter at Instagram niya.

Ayaw na rin ng magkapatid na sagutin pa ang tungkol kay Jackie, at kahit si Lyxene nga ay iniiwasan na rin itong sagutin dahil may ilang bashers na gustung-gusto silang tirahin.

Congratulations kina Megan at Kobe na parehong wagi sa Indonesia.

Abangan n’yo ang espesyal na story namin kina Megan at Kobe.

I-try ko ngang mag-guest si Kobe sa Startalk sa Sabado. Abangan n’yo ‘yan!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING