Megan Young, handa nang i-display ang mala-diyosang katawan

ADVERTISING

Megan Young, handa nang i-display ang mala-diyosang katawan

Megan-YoungNAKAHANDA NANG idisplay ni Megan Young ang mala-diyosang hugis ng katawan sa remake muli sa telebisyon ng Marimar na pinagbidahan noon ni Marian Rivera sa GMA 7.

ADVERTISING

Ayon kay Megan, alam niya kung gaano ka-physically demanding ang role sa Marimar na siyang nagpasikat kay Marian noong 2007. Kung ano raw ang kailangan at kung anuman ang ginawa ni Marian noon, walang magiging problema sa kanya bilang pagtupad sa role na bagong Marimar.

Nakahanda na rin daw siya sa maiinit na eksena nila ni Tom Rodriquez na siyang gaganap na Sergio na unang ginampanan ni Dingdong Dantes.

Alam din ni Megan na ngayon pa lang ay inaabangan na ang magiging eksena nila ni Tom. Wala naman daw magiging problema, dahil una ay nagkausap na raw sila ni Direk Dom Zapata na siyang magdidirek. Ipinauna raw ni Megan kay Direk na lahat ng ipagagawa sa kanya ay susundin.

ADVERTISING

Ayon pa kay Megan, kahit na raw ngayon pa lang silang magkakatrabaho ni Direk Dom, ramdam na raw niyang magiging maganda ang working relationship nila ni Direk dahil alam niya na maingat ito pagdating sa mga maseselang eksena tulad ng kissing scenes at love scenes.

Sabi pa ni Megan, bilang isang professional na actress, kaya raw niyang gawin ang mga ire-require na love scenes sa kanila ni Tom. “Hindi naman po ako bago riyan. It’s just more intimate now,” pagtatapos ni Megan.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING