Megan Young: From Miss World to Miss Marimar!

Megan Young: From Miss World to Miss Marimar!

Megan-Young Megan-Young-Tom-RodriguezPARANG KAILAN lang nang koronahan si Megan Young bilang Miss World 2013. Akalain mong two years na pala ang nagdaan?!
Isa si Megan Young sa masasabi nating beauty queen mula sa Pilipinas na talagang isinapuso ang sinumpaang tungkulin. Positive ang feedback mula sa iba’t ibang taong nakasalamuha niya sa ibang bansa. Hindi lang sa panlabas ang kanyang kagandahan – pati ang puso ay busilak din!
Now that she’s back with her original home network (galing siya sa Starstruck Batch II), siya ngayon ang bida sa Marimar. Eight years ago, ito ang palabas na talagang nagpasikat kay Marian Rivera. Naging sila pa nga ng leading man niya at ngayo’y hubby na si Dingdong Dantes, ‘noh!
Marami ang doubtful if Megan can pull this off. Para sa nakararami, ang ‘Marimar’ ay para lamang kay Marian Rivera. D’yan siya minahal ng masa, eh. Siya ang humalili sa puwestong nilayasan ni Angel Locsin bilang Reyna ng GMA and safe to say, si Marian pa rin ang may hawak ng titulong ito.
Aminado ako na isa ako sa mga duda sa kakayahan ni Megan Young bilang Marimar. Kilala siya sa pagiging magaling na host pagdating sa Inglesan. Nakaa-arte naman siya sa ilang teleserye at pelikula noong nasa ABS-CBN siya, pero hindi ko ma-imagine kung keri niyang magpaka-masa. Know what I mean?
But woohoo, the teasers are well-made and Megan Young surprisingly exudes that innocent yet classy character. Sino nga ba ang dalagang ito? Nakabibighani nga! Pati ang tambalan nila ni Tom Rodriguez ay medyo questionable for me nu’ng umpisa, but based on the photos, may chemistry rin pala sila.
Now we can’t wait to see the full tailer of the show na aariba na raw sa GMA Telebabad simula sa Agosto 24. Ayon sa ilang write-ups, ibang-iba raw ang bagong Marimar. Feeling nga namin ay magiging bentahe rito ang mga karakter na gagampanan nina Alice Dixon, Ina Raymundo, Zoren Legaspi, and the Jaclyn Jose, na super love namin kapag nagma-maldita. Pasok din dito sa serye sina Solenn Heussaff, Dion Ignacio, at ang kapatid na si Lauren Young, na gaganap bilang kontrabida. Ang taray!
Mapapa-awww kaya tayo sa bagong Marimar? Abangan!

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club