Megan Aguilar, lumalabas na kontrabida sa ama

ADVERTISING

Megan Aguilar, lumalabas na kontrabida sa ama

1 Megan-AguilarSA TANDA ni Megan Aguiar, dapat kumayod siya sa sariling sikap. Ilang taon na rin ba siya binuhay ng ama niyang si Ka Freddie Aguilar? Mula sa pagkabata, naging dependent si Megan sa ama. Mabuti na lang sinabi ni Ka Freddie na ayaw na niyang magsalita para sagutin ang isyu ng anak dahil por respeto kay Megan.

ADVERTISING

Tandaan ni Megan na matanda na ang tatay niya. Dapat siya na nga ang bumubuhay rito. Dapat ding tandaan ni Megan na si Ka Freddie ay may bago nang asawa na siyang Ilaw ng Tahanan ng ama niya.

Kanin na sinahugan ng toyo or gulay na nabubulok sa refrigerator; may sariling buhay na si ka Freddie kasama ang bagong asawa.

Kung ako kay Megan, kung ayaw niya sa patakaran ng ama sa sarili niyang bahay, lumayas siya at mamuhay sa istilo at kagustuhan niya. Ang tanda mo na Megan. Sa tono ng pananalita mo sa mga interview, halatang ikaw ang salarin ng iskandalong ito.

ADVERTISING

 

SINO BA si Benhur Luy? Ano ba ang kredbilidad niya para sa bawat sasabihin niya at idedeklara ay paniniwalaan ng tao?

The fact na matagal siyang nakipagkutsabahan sa amo niyang si Janet Napoles noon bago siya nasukol (or shall I say nainggit sa yaman na tinatamo ng bossing niya), saka pa lang siya nagsalita at binuko si Napoles.

Kaloka at sinalsal ang mga istorya niya tungkol sa pagsabit niya sa tatlong beteranong mga journalists namely Korina Sanchez, Luchi Cruz-Valdez at Mike Enriquez, na isinabit niya na diumano’y may “pakimkim” na tinangap mula sa amo niya. Base sa mga impormasyon niyang mali-mali; mga detalyeng baluktot at hindi accurate, I wonder kung bakit paniniwalaan ng Philippine Daily Inquirer ang sitsit ni Benhur sa kanila based sa impormasyon ng beki.

Ewan ko sa baklang ito na aburido na yata sa sarili at ang pagiging whistle blower sa PDAF racket ni Napoles at manunumbong (gayong kumita rin nama siya noon) ay kung sinu-sino ang mga idinadamay.

Kaloka ka, Benhur. Bakla ka man ay suportado kita pero kung magsisinungaling ka rin lang naman, isusumpa kita at itatakwil sa pederasyon ng LGBT. Baka bukas, itsismis ako ng baklita na ako na walang kamuwang-muwang ay tumanggap din ng “sobre” mula sa utos ng dating amo niya.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING