Meg Imperial, porno serye ang soap opera?

ADVERTISING

Meg Imperial, porno serye ang soap opera?

Meg-ImperialHINDI NA lang daw pinapansin ni Meg Imperial ang mga bumabatikos sa show nila at nagsasabing porno serye raw ito, kaya naman maraming mga kalalakihang nahuhumaling na tumutok na panoorin ito.

“Tinatawanan ko na lang. Akala nila kasi ‘pag may nude scene, shower scene, nagtanggal ng damit o may mga halikan, hindi nila naiisip na pinapakita lang naman natin ‘yung reality, ‘di ba?

“Normal sa magkasintahan na maghalikan kayo. Wala namang nire-reveal na like kitang-kita ‘yung buong katawan mo. Sexy lang, sensual… so, I think nami-misunderstood nila lang ‘yung fact na para sabihin nilang porno. ‘Pag porno, iba na ang dating nu’n. Scandal na talaga.

“At saka, may MTRCB naman na nagbabantay rin naman. Hindi naman siya basta-basta na ganoon, may story naman. May meaning, may laman ‘yung kuwento. Ang porno kasi for me, it’s all about sex, ganoon lang. Itong Moon of Desire, kinailangan lang ng sensuality because ‘yun ang package ng show, ‘di ba?

ADVERTISING

“Lagi namang sinasabi sa amin ni Direk FM (Reyes) na ayaw niyang gawin ito na puro sexy. Gusto niya it’s a love story. ‘Yun ‘yung focus,” pagtatapos ni Meg.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING