Meg Imperial, nagsusuka nang malasing sa isang event!

ADVERTISING

Meg Imperial, nagsusuka nang malasing sa isang event!

Meg-ImperialIKINUWENTO NG bida ng Moon of Desire ang kanyang experience nang malasing sa isang okasyon at hinding-hindi na raw nito uulitin pa ang uminom ng alak.

“Nararanasan ko naman ‘yung first time ko na um-outing. Pumarty. Hahaha! Last time, galit na galit ako dahil first time kong malasing. Pero matino pa ‘yung pag-iisip ko. Nahihilo lang ako. Sumuka na ‘ata ako pero okey lang.”

At dahil na issue na nalasing, hindi na raw ito uulitin ni Meg Imperial. “Hindi na. Parang ayaw ko nang ganoon feeling. Madali akong malasing ‘pag mix pala. First time ko talaga, wala sa experience ko. Siguro, pang-wine-wine lang ako.

“At least alam ko na ngayon sa set ‘pag may lasing na eksena. Dati hindi ko alam kung paano ang malasing. At least ngayon, may idea na ako. Magagamit ko na siya,” sey pa ni Meg.

ADVERTISING

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING