Meg Imperial, mala-Hilda Koronel sa isang drama show

Meg Imperial, mala-Hilda Koronel sa isang drama show

Meg Imperial
Meg Imperial

Hindi sinayang ni Meg Imperial ang big break na ibinigay sa kanya ng Viva which featured her as the bida in a drama show entitled “Mariposa” which was shown yesterday sa SARI SARI on Cignal channel 3.

Playing a rape victim, kahit paano’y nagpakita si Meg ng sensitivity in her portrayal. She was able to flex her acting muscles in most of her scenes especially in one eksena kung saan parang nagmamakaawa siya sa isang guy, pero nang tumalikod ang lalaki ay nag-iba ang kanyang facial expression. Ang galing niya sa eksenang iyon.

Anyway, naalala namin si Hilda Koronel kay Meg Imperial bilang rape victim who avenged herself later on in “Angela Markado”.

Sana’y masundan pa ang ganitong paggaganp ni Meg para mai-display naman niya ang kanyang acting prowess.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas