Meg Imperial, mala-Hilda Koronel kung umarte

ADVERTISING

Meg Imperial, mala-Hilda Koronel kung umarte

Meg Imperial
Meg Imperial

Lutang na lutang galing sa pagganap ng Viva prime artist na si Meg Imperial na napanood sa “Mariposa” sa Sari Sari cable channel (channel 3 sa Cignal). kung saan ginampanan ni Meg ang isang rape victim.

Marami ngang nakapanood nito na ang nagsasabing napakahusay ni Meg Imperial bilang rape victim. Maihahalintualad nga raw ito sa galing ding umarte ni Hilda Koronel nu’ng ginawa nito ang “Angela Markado”.

Mabigyan nga lang daw si Meg ng sunud-sunod na mabibigat na drama soap, pihadong mas mahahasa ang galing nito sa drama, lalo na’t may ibubuga na ito pagdating sa acting.

Sa ngayon, busy si Meg sa kanyang bagong movie project entitled “Higanti” na isang explosive action/ drama film, directed by Rommel C. Ricaffort. Kasama ni Meg sa nasabing pelikula ang ilang bigating artista sa Philippine showbusiness na sina Nanding Josef, Jay Manalo, Assunta De Rossi, Alwyn Uytingco, Katrina Halili, Kiko Matos, Jon Lucas, DJ Durano, Ruby Ruiz, atbp.

ADVERTISING

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING