Meg Imperial, gustong makagawa ulit ng teleserye sa Dos

ADVERTISING

Meg Imperial, gustong makagawa ulit ng teleserye sa Dos

Meg Imperial
Meg Imperial

Matapos ang mga show ng flawless at magandang Viva Prime Artist na si Meg Imperial sa TV5, umaasa siyang mabibigyan muli siya ng proyekto sa Kapamilya Network.
Maaalalang minsan na ring nagbida si Meg Imperial sa seryeng “Moon Of Desire” sa ABS-CBN na mataas naman ang ratings at na-extend pa ng ilang buwan. Ito nga raw ang soap ni Meg na ‘di lang kanyang alindog ang kanyang ipinakita, kung hindi galing din sa pag-arte.
At habang naghihintay pa ng bagong teleserye, busy si Meg Imperial sa shooting ng kanyang bagong pelikula na “Higanti” na isang family-oriented movie, kung saan kabituin nito sina Jay Manalo, Assunta De Rossi, Alwyn Uytingco, Katrina Halili, Kiko Matos, Jon Lucas, atbp.
May ginawa rin siyang telemovie na “Mariposa” sa Sari-Sari cable channel with Mart Escudero. Isa ito sa challenging role na nagawa niya, dahil dalawang personality ang ginampanan niya, kung saan pinuri ang kanyang acting bilang rape victim.
Busy rin siya sa kanyag lumalagong negosyo na Timeless Salon and Spa sa Bicol na plano niyang magkaroon ng another branch bago matapos ang taon.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING