Meg Imperial, ‘di nagpatalbog sa aktingan kay Claudine Barretto sa “Bakit Manipis ang Ulap?”

ADVERTISING

Meg Imperial, ‘di nagpatalbog sa aktingan kay Claudine Barretto sa “Bakit Manipis ang Ulap?”

Meg Imperial, ‘di nagpatalbog sa aktingan kay Claudine Barretto sa “Bakit Manipis ang Ulap?”Hindi matatawaran ang galing sa pag-arte ni Meg Imperial sa TV5 teleserye “Bakit Manipis ang Ulap?” kabituin sina Claudine Barretto, Cesar Montano, at Diether Ocampo.
Hindi nga nagpatalbog pagdating sa pag-arte ang Viva prime artist sa mahusay ding actress na si Claudine Barretto.
Tsika nga ni Meg Imperial, “Isang malaking karangalan nga na makatrabaho ko si Ate Claudine, kasi alam kong mahusay siyang actress. ‘Di lang siya mahusay kung hindi marunong siyang makisama sa katulad kong baguhan sa showbiz.
“Everytime na darating siya sa set, nakangiti na siya kaagad. Kaya masarap at magaan siyang katrabaho, at marami kang matutunan sa kanya pagdating sa pag arte.”
Bukod sa kanyang regular soap, mapanonood din itong mag-perform sa March 10 sa Casino Filipino sa Mandaue City, Cebu kasama si Troy Montero. Samantalang napanood din itong nagbida sa “Wattpad Presents: My Cassanova Husband” noong February.

ADVERTISING

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING