Meg Imperial, ‘di na sigurado kung virgin pa siya

Meg Imperial, 'di na sigurado kung virgin pa siya

Meg Imperial, 'di na sigurado kung virgin pa siyaIndemand ngayon si Meg Imperial, sunud-sunod ang kanyang movie and TV project. Katunayan nga, mahalagang papel ang ginagampanan niya sa isang episode ng “Wattpad Presents TV Movie” ng TV5. Smart, witty, at may sense kung sumagot kaya nakae-enjoy siyang kausap. Noong nagsisimula pa lang si Meg, sinabi nito na virgin pa siya. Nang tanungin siya ngayon kung intact pa rin ang kanyang virginity. Hindi na sigurado si Meg kung virgin pa siya hanggang ngayon dahil nagka-boyfriend na ang dalaga.

Ayon kay Meg Imperial, kahihiwalay lang niya sa non-showbiz boyfriend dahil sa kawalan ng respeto sa kanyang ina. Mahirap daw makipagrelasyon sa isang lalaking walang respeto sa ‘yong mga magulang. Malaking factor para sa actress na pahalagahan siya at bigyan ng respeto ang mga mahal niya sa buhay ng lalaking mahal nito. Kung walang respeto sa isa’t isa, papaano ka raw irerespeto ng ibang tao?

Walang regrets si Meg na naghiwalay sila ng kanyang businessman boyfriend. Happy siya sa takbo ng kanyang showbiz career. Focus muna raw siya sa trabaho, saka na raw ang lovelife. Sa episode ng “Wattpad Presents” na ‘My Cassanova Husband’, si Meg Imperial ang bida. Nasa cast din siya ng seryeng “Bakit Manipis Ang Ulap?” with Claudine Barretto and Cesar Montano,  Viva produced for TV5.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield