Meg Imperial, bibida ulit sa pelikula

Meg Imperial, bibida ulit sa pelikula

Meg Imperial
Meg Imperial

Makasasama pala ang maganda at sexy Viva prime artist na si Meg Imperial sa pelikulang “Higanti”, isang explosive action-drama film, directed by Rommel C. Ricaffort.
Kasama ni Meg Imperial sa nasabing pelikula ang ilang bigating artista na sina Nanding Josef, Jay Manalo, Assunta De Rossi, Alwyn Uytingco, Katrina Halili, Kiko Matos, Jon Lucas, DJ Durano, Ruby Ruiz, atbp.
Masaya nga raw si Meg dahil balik-pelikula na naman siya and this time ay mahuhusay at dekalidad na mga artista ang kanyang makasasama. Bukod pa sa halos karamihan ay first time niyang mga nakatrabaho.

 

Sef Cadayona
Sef Cadayona

Sef Cadayona, most sought-after comedy actor ng GMA 7

MASUWERTE TALAGA ang award-winning comedy actor na si Sef Cadayona, dahil after na magkasabay-sabay na magtapos ang kanyang mga show kamakailan, heto’t umaariba na naman ang kanyang career.
Bukod kasi sa “Bubble Gang” na kanyang regular show, may dalawa pa itong show – ang “Laff Camera Action” na pinakabagong reality comedy search ng Kapuso Network, kung saan isa ito sa magiging hurado hosted by Betong Sumaya at Sheena Halili; at ang new show “A1 Ko Sa ‘Yo” kasama sina Cannes 2016 Best Actress Ms. Jaclyn Jose, Solenn Heussaff , Mara Alberto, Gardo Versosa , Gee Canlas, atbp.

John’s Point
by John Fontanilla