Meet La Vida Lena: Erich Gonzales, pinalitan si Ivana Alawi sa sexy-drama series

ADVERTISING

NALALAPIT NA ang pagbabalik-teleserye ng Kapamilya actress na si Erich Gonzales. Matagal-tagal na rin ito hindi napapanood sa isang regular show mapa-hapon man o primetime kaya naman masayang-masaya ang fans ng dalaga.

‘Revenge Knows No Love’. ‘Yan ang tagline ng teaser announcement para sa La Vida Lena na pagbibidahan ni Erich Gonzales.

ADVERTISING
Meet La Vida Lena: Erich Gonzales, pinalitan si Ivana Alawi sa sexy-drama series
Ivana Alawi and Erich Gonzales

Ito ang pinaniniwalaang dating ‘Ang Lihim ni Ligaya’ na dapat sana’y launching teleserye ng sexy actress na si Ivana Alawi. Ang huling balita namin, nag-back out diumano si Ivana dahil hindi ito kampante na mag-taping habang laganap pa ang pandemya sa bansa.

Siguro, concerned si Ivana sa bagong patakaran under ‘the new normal’ kung saan required ang mga artista na mag lock-in taping ng ilang Linggo at umuwi sa kanilang tahanan for a few weeks at babalik muli sa taping. Nakakaalarma nga ang ganito lalo na kung may mga vulnerable kang kasama sa bahay.

Ivana’s loss is Erich’s gain. Matatandaan na dapat ay kasama si Erich sa Love Thy Woman nina Kim Chiu at Xian Lim. For undisclosed reasons ay nawala si Erich sa casting at ipinalit si Yam Concepcion.

ADVERTISING

Sa ‘La Vida Lena‘, kasama rito sina Carlo Aquino, JC De Vera at Kit Thompson. Si Kit ang supposed leading man ni Ivana noon na unang nagkasama sa ‘Sino ang Maysala: Mea Culpa’ series last year.

Kahapon ay nag-upload si Erich ng vlog kung saan ipinakita niya ang preparasyon para sa unang sabak sa lock-in taping. Nagpa-swab test at halos buong bahay niya ‘yata ay nadala na niya sa hotel room na kanyang tutulugan sa loob ng tatlong linggo. Siguradong soon ay mapapanood na rin ang ilang behind-the-scenes mula sa taping nito sa kanyang bagong teleserye.

Congratulations, Erich! Sa mga fans ni Ivana, no need to feel sad dahil may sexy-horror film ito sa iWantTFC na pinamagatang ‘Sitsit‘ na lalabas by the end of the month. At s’yempre, regular pa rin naman ang pag-upload nito ng hot videos and photos!

ADVERTISING