Meagan Young, nagbunga ang pagtitiyaga

 Meagan Young, nagbunga ang pagtitiyaga

 Meagan Young, nagbunga ang pagtitiyaga    HABANG PATULOY na nananahimik si Bianca Manalo tungkol sa mga dahilan kung bakit sila nagkahiwalay ni John Prats, ang dami-dami ring ibang tao na nadadamay sa kanilang hiwalayan. Isa sa mga nadadamay ay si Angelica Pa-nganiban.  Magkasama kasi dati sina Angelica at John sa gag show na Banana Split ng ABS-CBN, at naituturo raw na dahilan ng pagseselos ni Bianca ay kung bakit parang mayroong kakaibang closeness sina John at Angelica.

Marami namang hindi naniniwala na pupuwedeng sobra pa sa closeness dahil sa samahan nila sa show ang namamagitan kina John at Angelica. Kasi nga, matagal nang magkakilala sina John at Angelica, dahil nu’ng hindi pa nagkakaintrigahan ang magandang aktres at ang sister ni John na si Camille Prats nang dahil sa isang actor na parehong na-link sa kanila, dati na talagang maganda ang samahan nila bilang magkakaibigan.

Kung ilalabas daw naman ang pa-ngalan ni Angelica sa mga pinagseselosan ni Bianca, mayroon pa ngayong isang lumulutang na dahilan. Sa pangyayari na si John daw ang unang kumalas, marahil daw ay dahil sa pagtataray umano ni Bianca sa actor. Ang magkapatid kasing John at Camille ay hindi sanay na tinatarayan at minumura, dahil likas na matatahimik ang kanilang pamilya, na hindi uso ang murahan at tarayan. Ayaw raw ni John sa babaeng bungangera.

 

ISA SI Meagan Young sa hanay ng mga artistang nanggaling sa ibang network pero sinuwerte sa bakuran ng ABS-CBN.  Napapanood siya ngayon sa teleseryeng Hiyas ng Kapamilya Network. Maipagmamalaki ng Star Magic ang mga katulad ni Meagan, dahil bukod sa star material naman siyang talaga, magiliw siya sa mga tao. Kahit taglay niya ang kagandahan at height na pang-beauty contest ay napakasimple niya at walang yabang sa katawan.

Matiyaga si Meagan, dahil ilang taon na rin naman siyang nagsisikap na mapansin sa showbiz, pero naghintay lang talaga siya ng tamang panahon. “Happy lang naman po kasi ako na nasa showbiz ako. Gusto ko rito. Kaya lang, hindi ko po ipagpipilitan ang sarili ko kung wala namang mangyayari. Kaya kung ano pa po ‘yung mga pupuwede kong gawin para gumanda ang career ko ay ita-try ko pong gawin,” wika ng magandang young actress.

Nanggaling si Meagan sa GMA-7 at ang ka-loveteam niya noon ay isang guwapong bagets na hindi man lang napansin sa showbiz, kaya ngayon ay hindi na nababanggit man lang ang pangalan. “Nagpapasalamat siyempre ako sa ABS dahil binigyan nila ako ng pagtitiwala na ganito na mabigyan ng malaking project. Nagbago na siyempre ang takbo ng career ko. Noon kasi, kapag iniinterbyu ako kung anong project ko, wala halos akong masabi, kasi lagi lang akong naghihintay ng project. Sulit naman ‘yung mga paghihintay ko, dahil natutupad na nga-yon ang mga gusto ko para sa career ko,” wika pa ni Meagan.

ChorBA!
by Melchor Bautista