MCLISSE IS REAL: Panunuyo ni McCoy de Leon kay Elisse Joson, seryosohan na

ADVERTISING

MCLISSE IS REAL: Panunuyo ni McCoy de Leon kay Elisse Joson, seryosohan na

MCLISSE IS REAL: Panunuyo ni McCoy de Leon kay Elisse Joson, seryosohan na
McCoy de Leon and Elisse Joson

BONGGA naman itong tambalan nina McCoy de Leon at Elisse Joson na kinaiinggitan ng ibang mga love teams na gustong itawid ang mga tunay nilang nararamdamdaman sa pag-level up at hindi lang pang-on camera kundi yong tutoong “mahal” or  tunay na love talaga.

 
Sa pagmamahal ni McCoy kay Elisse, seryoso ang binata sa kanyang nararamdaman sa dalaga.
 
In short, gusto nila na maging makatotohanan at hindi pang-showbiz ang feelings nila sa isa’t isa na siyang ini-effort ni McCoy para patunayan sa ina ni Elisse na seryoso siya.
 
The fact na openly ay humingi siya ng permiso sa ina ng dalaga na liligawan niya ito, para sa amin, isang disenteng pamamaraan ng panliligaw ito na you would not expect sa mga kabataan ngayon na ang uso ngayon sa mga millennials; konting chikahan lang at kiyemeng panunuyo, hayun at sinagot na ni girl si boy.
 
Sa panahon na uso ang madaliang sagot ng matamis na “Yes” na idinadaan na lang sa text message, ang  gusto ni McCoy ay sagutin siya ng sinusuyong si Elisse sa traditional na pamamaraan na bibitawan nito ang matamis niyang “Oo” ng harap-harapan at hindi lang sa IG or text message.
 
Kaya nga nang tanungin tungkol sa mga younger sets of stars ng Star Magic na nag-propose openly na gusto nila maka-date ang mga girls sa darating na Star Magic Ball sa Saturday with the likes of Joshua Garcia at Julia Barretto, Inigo Pascual at Maris Racal, Elmo Magalona at Janella Salvador at Edward Barber at Maymay Entrata,  para kay McCoy: “Okay nga po e! Okay po yun,” sabi nito
 
Kuwento ng binata: “Given na po yata ‘yun na kami ang magka-date, hehehehehehe. In-expect ko na po yun.  Siya naman po talaga ang gusto ko, wala nang iba. Kahit si Elisse naman, alam ‘yun nung tinanong ko. Okay daw sa kanya,” sabi ni McCoy who plays the role of Obet; the “Happy Kuya” of Joshua Garcia na si Joseph sa bagong serye ng Dreamscape Entertainment na The Good Son na palabas after La Luna Sangre.
 
Basta ang alam ko, excited na si McCoy na maging girlfriend si Elise at malapit na yun.
 
Ang loveteam nila ni Elisse known as McLisse ay napapanood sa The Good Son at sa MMFF 2017 entry na “Ang Panday” na first directorial job ni Coco Martin.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING
ADVERTISING