McLisse, excited nang sumakay sa festival float ng ‘Ang Panday’

ADVERTISING

McLisse, excited nang sumakay sa festival float ng ‘Ang Panday’

McLisse, excited nang sumakay sa festival float ng ‘Ang Panday’
Elisse Joson and McCoy de Leon of McLisse tandem with Coco Martin

PASOK ang tambalan nina McCoy de Leon at Elisse Joson  also known as McLisse sa Metro Manila Film Festival movie ni Coco Martin na  Ang Panday kaya naman tuwang-tuwa rin ang kanilang fans at supporters.

Sa past interview namin noon kay McCoy ay hindi pa niya ibinalita ang tungkol sa Panday dahil baka raw maudlot ito. Pero nu’ng announcement na ng cast, do’n lang nag-sink-in sa kanila ni  Elisse na finally, meron  na nga silang first movie na pagsasamahan.

“Ang suwerte po namin at sobrang thankful po kami na maging part ng  Ang Panday after naming maging part ng Ang Probinsyano,” bulalas ng magka-love team.

“Nung nalaman po namin na si Kuya Coco ang magdidirek ng movie sobrang thankful kami kasi alam namin na gusto niya kami maging part ng movie niya,” dagdag pa ng McLisse.

ADVERTISING

Nilo-look forward na rin nina Elisse at McCoy ang sumakay sa festival float para sa MMFF Parade of  Stars.

“Dati po nakikita lang namin yung ganun at pinapanood. Ngayon po, makakasakay na kami sa float kaya super excited po talaga kami,” sabi pa ng dalawa.

Patuloy nila, “Sigurado pong magiging napakasaya ng Pasko namin dahil makakapagpasaya din kami ng mga kapamilya.”

 

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING