MCLISSE Discoveries and Memories in Turkey: McCoy de Leon, nagreminisce sa moments nila ni Elisse!

ADVERTISING

MCLISSE Discoveries and Memories in Turkey: McCoy de Leon, nagreminisce sa moments nila ni Elisse!

MCLISSE Discoveries and Memories in Turkey: McCoy de Leon, nagreminisce sa moments nila ni Elisse!
McCoy de Leon

SA PREMIERE NIGHT ng pelikulang “Woke Up Like This” ng Regal Films namin nakausap si McCoy de Leon na present noong gabing ‘yun to give support sa kanyang Kuya Vhong Navarro na bida sa pelikulang laugh trip with Lovi Poe na produced ng Regal Films.

 
After the premiere dinner party namin naka-tsika ang binata na kasama ang ibang mga new #Hashtags members (sorry, we can’t name them dahil hindi namin sila kilala).
 
Kinamusta namin kay McCoy ang trip nila ni Elisse Joson sa Istanbul, Turkey, ang ka-love team niya on screen sa mga serye niya sa Kapamilya Network at sa MMFF 2017 entry na na “Ang Panday” na si Coco Martin ang ng direktor.
 
“Ok na ok po. Nagenjoy kami ni Elisse,” kuwento niya sa exclusive interview namin sa kanya.
 
“First trip ko ‘yun abroad na may Visa,” nangingiting kuwento ng binata sa amin.

ADVERTISING

Sa Turkey ay nagshoot sila ni Elisse for a magazine cover at video for a special project ng glossy.

 
MCLISSE Discoveries and Memories in Turkey: McCoy de Leon, nagreminisce sa moments nila ni Elisse!
McLisse: McCoy de Leon and Elisse Joson

Na-enjoy ni McCoy ang biyahe. Enjoy nila pareho ni Elisse ang biyahe nila.

 
“Madami po kami na-discover sa mga  pinuntahan namin. I’ve discovered na Turkey pala is one of the country na may oldest history at civilization.
 
“Sa Turkey, food trip kami. Kaya nga po ang taba ko ngayon,” kuwento niya.
 
“Kung may time after work, pupunta kami (Elisse) sa mga café para mag-try ng iba’t ibang pagkain nila,” patuloy pa binata.
 
May new discoveries ba si McCoy sa almost 1 week trip nila ng dalaga?
 
“Madami po,” ngumiti siya at tumingin sa akin.
 
“Ganun po pala na kapag kasama mo siya (Elisse) for almost a week mula sa paggising hanggang sa matutulog na kayo ay iba pala. Mas nakikilala mo lalo ang isang tao na gusto mo.
 
MCLISSE Discoveries and Memories in Turkey: McCoy de Leon, nagreminisce sa moments nila ni Elisse!
McLisse in Turkey
 
“Memorable po sa akin ‘yung trip na yun. Ganun din sana sa kanya,” sabi ng binata.
 
If by chance at makausap namin ang dalaga, we will ask the same questions kay Elisse. I’m sure, with their new discoveries and memories in Turkey, madaming mga alaala ang McLisse na maikukuwento sa mga anak nila at apo pag nagkatuluyan sila.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING