McCoy at Elisse, hindi maitago ang ka-sweetan kahit sa blogcon ng ‘The Good Son’

ADVERTISING

McCoy at Elisse, hindi maitago ang ka-sweetan kahit sa blogcon ng ‘The Good Son’

McCoy at Elisse, hindi maitago ang ka-sweetan kahit sa blogcon ng ‘The Good Son’Kasama ang tambalan nina Ellise Joson at McCoy de Leon popularly known as McLisse sa teen cast ng new series ng ABS-CBN under Dreamscape Entertainment na The Good Son. Humarap sila kamakailan sa isang blogcon at kitang-kita na kahit sa blogcon ay sweet na sweet pa rin ang dalawa.

ADVERTISING

 

Magkatabi ang dalawa at nakunan pa namin sila ng photo na magkahawak kamay at tila kino-comfort ang isa’t isa.

 

ADVERTISING

Ayon kay Elisse hindi raw agad okey ang karakters nilang dalawa sa The Good Son. Parang kaiinisan pa nga raw nila ang isa’t isa pero habang nagpo-progress daw ang istorya ng primetime series ay may mararamdaman sila sa isa’t isa.

 

Unang nagsama ang McLisse sa FPJ’s Ang Probinsyano, pero hindi naman na-establish masyado ang love team nila doon. Sa The Good Son, mas matutuwa raw ang kanilang fans.

 

“Dito yung kumbaga, eh, level-up ng love team namin. Mas may kilig dito sa The Good Son,” kuwento pa ni Elisse.

 

Challenging naman para sa part ni McCoy ang role na napunta sa kanya bilang isang anak na gagawin ang kahit na anong trabaho para lang matulungan ang kanyang pamilya.

 

“Sabi ko nga po don sa dialogue ko, ‘kung maibebenta ko lang itong kagwapuhan ko ay ginawa ko na para lang matulungan ang pamilya ko.’ Basta marami po siyang trabahong papasukin para kumita lang ng pera,” kuwento ng binata.

 

Challenge din daw na maituturing para sa kanya ang makatrabaho sina Joshua Garcia at Jerome Ponce na mahuhusay ding aktor. Ang huli ay kapapanalo lang ng New Movie Actor of The Year sa katatapos lang na PMPC Star Awards for Movies.

       Kasama rin sa new series sina Mylene Dizon, Albert Martinez, John Estrada at Eula Valdez na puro mga batikan pagdating sa pag-arte.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING