McCoy de Leon walang masabi sa live-in partner: ‘Sobrang perfect si Elisse’

Leo Bukas

MAY BAGONG pelikula ang ang real life couple na sina McCoy de Leon and Elisse Joson sa Vivamax original movie na Habangbuhay. Unang nagkasama ang McLisse sa pelikulang Sakaling Maging Tayo noong 2019.

Ayon kay McCoy mixed ang reactions nila ni Elisse habang ginagawa ang Habangbuhay lalo pa nga’t meron na silang Baby Felize, ang kanilang panganay.

McCoy de Leon walang masabi sa live-in partner: ‘Sobrang perfect si Elisse’
Elisse Joson and McCoy de Leon | Inset: Elisse with daughter

“Halu-halo yung feeling kasi first time ulit namin na magka-project together and first time namin na may batang naiiwan (sa bahay). Excited ka na parang gusto mong umuwi din agad pero excited ka din na magka-work ulit,” lahad ni McCoy sa ginanap na virtual mediacon nitong April 4.

Patuloy ng aktor, “As an actor naman, hindi ko inakala na yon yung magiging resulta kasi siyempre, ang tagal talaga namin hindi nagka-work. Na-compare talaga namin yung dating work namin dito kaya excited kami na makita ninyo ito.”

Reaksyon naman ni Elisse, “Exciting, kasi yon nga, ang tagal naming hindi nagka-work together so medyo kinabahan but nakakatuwa naman kasi maganda yung naging outcome. We’re very happy.”

Matured na McLisse ang mapapanood sa Habangbuhay. May mga eksena ba sa pelikula na nangyari na sa kanila sa totoong buhay?

“Meron, but for me personally, parang may mga scenes na hindi nasasabi pa sa isa’t isa pero gusto naming sabihin sa isa’t isa in real life. So, nagawa po namin yon sa movie, may mga ganun.

“Parang yon talaga yung gusto naming iparating sa isa’t isa in real life, but then we’re not very vocal kaya hindi namin nai-express. May mga eksena sa movie na nagawa namin yon at nagamit din namin,” sagot ni Elisse.

Masasabi na ba nilang pang-habangbuhay ang kanilang relasyon?

Sagot agad ni McCoy, “Yes! Siyempre, panghabang buhay na ito kasi wala, eh… Kagabi nga lang, nagpapasalamat ako sa Diyos kasi may trabaho ako, meron akong masayang pamilya, kaya sobrang kuntento ako sa buhay ko ngayon. Sobrang happy.”

Nagbahagi rin ang aktor ng mga ugaling nadiskubre niya kay Elisse bilang partner at ina ng kanilang anak ngayong magkasama na sila sa iisang bahay.

“Si Elisse, gusto niya lahat best for her family. Gusto niya lahat mabigyan ng kasiyahan, mabigyan ng time. Ayaw niya na may nale-left behind. Same Elisse na nakita ko as girlfriend ko.

McCoy de Leon walang masabi sa live-in partner: ‘Sobrang perfect si Elisse’
McCoy de Leon and Elisse Joson

“Ngayon as a mother. Ibang-iba siya. Kung makikita niyo lang sa pictures, laging nagpo-photo shoot yan, mga damit niya sosyal. Pero pag nasa bahay, mas nakikita ko na yung priority niya, kay Felize, sa anak namin.

“Kumbaga, wala akong masasabing kulang, wala rin akong masasabing sobra. Sobrang perfect si Elisse para sa naging anak namin kaya thankful ako kay Lord. Sabi ko nga kagabi, nagdadasal ako, thankful ako kasi meron akong pamilyang katulad… meron akong girlfriend na tulad ni Elisse at may anak ako na katulad ni Felize,” pahayag ni McCoy tungkol sa live-in partner.

Habangbuhay is streaming on Vivamax simula April 22. The movie is directed by Real Florido, winner of Best Director at the London Film Awards, and Best Feature Film at the Canada International Film Festival for the movie 1st Ko Si 3rd.